Bretman Rock ibinandera ang dyowa: ‘Yes! I do have a man!’

Bretman Rock ibinandera ang dyowa: ‘Yes! I do have a man!’

PHOTO: Instagram/@bretmanrock

SA pagsalubong ng Pride Month ngayong Hunyo, proud na proud na ibinunyag ng international social media personality na si Bretman Rock ang kanyang pag-ibig.

Yes, yes, yes, mga ka-BANDERA, luma-love life na ngayon si Bretman!

Masaya niyang ipinakilala sa buong universe ang boyfriend na si Justice Fester na ibinandera sa kanyang recent Instagram post.

Hindi pa masyado niri-reveal ng sikat na influencer ang itsura ng kanyang dyowa, pero makikita sa ilang photos at videos ang moments ng kanilang indoor date.

Caption niya, “Happy Pride Yall!! I’m spending it being gay asf.”

Baka Bet Mo: Pinoy internet star Bretman Rock may ‘alay’ sa lahat ng batang beki sa Pinas

Kasunod niyan, ibinandera naman ni Bretman ang IG Story na kinukumpirma na siya ay “in a relationship” na.

 “Yes, I do have a man! I do…and we’re out here,” proud niyang sinabi sa madlang pipol.

Nangako rin ang socmed star na ikukwento niya ang love story nila ni Justice sa bagong podcast niya na “Da Baddest Radio.”

“I’ll probably tell you guys the story on how we met one of these days. Probably on my podcast, which I already made an Instagram page if you guys want to follow,” sambit ni Bretman. 

Lahad pa niya sa kanyang bagong proyekto, “I’m literally excited for my podcast. I don’t know why I’m making such a big deal out of it but it’s really about time.”

“I’m going to leave my television host ever. That’s what it’s gonna give,” aniya pa.

Samantala, noong Marso lamang ay kinilala si Bretman ng Hawaii House of Representative dahil sa kanyang “global influence” na nagbibigay-inspirasyon sa marami, lalo na sa Fil-am citizens ng nasabing bansa.

Ang 25-year-old internet star ay may mahigit 50 million followers sa social media.

Nauna na siyang kinilala ng international magazines kagaya ng Time, Forbes at Variety bilang isa sa top influencers sa buong mundo.

Read more...