Gerald sa pagkakasakit ni Julia: ‘Sunud-sunod kasi projects niya’

Gerald sa pagkakasakit ni Julia: ‘Sunud-sunod kasi projects niya’

PHOTO: Instagram/@andersongeraldjr

MAY update ang aktor na si Gerald Anderson regarding sa pagkakasakit ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Magugunita noong nakaraang buwan nang isinugod sa ospital si Julia at na-confine ng ilang araw.

Nakapanayam ng ABS-CBN si Gerald sa sidelines ng 2024 Star Magic All Star Games at sinabi ng aktor na kaya siguro nagkasakit ang kanyang dyowa ay dahil na rin sa busy schedule.

Sunod-sunod din kasi ang projects ni Julia recently at baka hindi na nakapagpahinga kaya bumigay na ang kanyang katawan.

“‘Yung duda namin, nagkasakit na kasi she was shooting a movie, then a series. Tapos ngayon, magshu-shoot ulit siya ng movie, so medyo sunod-sunod na. So nagkasakit siya, but ganoon talaga,” sey ng aktor.

Baka Bet Mo: Dennis may pakiusap kay Gerald, payo kay Julia: Saka na yung kasal-kasal

Dagdag pa niya, “Na-confine siya ilang days din. Malala din, malala.”

Ani pa ng boyfriend ni Julia, “But you know, she’s a strong person.”

Kung maaalala, maraming fans ang nag-alala sa aktres matapos maospital.

Ibinandera niya sa social media ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng medical staff na nag-alaga sa kanya.

Ipinaalala rin ni Julia ang kahalagahan ng pag-iingat ng kalusugan.

“A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority [heart emoji] Sending good energy!!!” lahad ng girlfriend ni Gerald sa bahagi ng post.

Read more...