Payo ni Vice sa mga magdyowa, mahalaga ang ‘unique sense of intimacy’

Payo ni Vice sa mga magdyowa, mahalaga ang 'unique sense of intimacy'

Vice Ganda at ion Perez

PARA sa TV host-comedian na si Vice Ganda, napakaimportante ng “sense of intimacy” para mas tumagal at mas maging solid pa ang isang relasyon.

Nagbigay ng kanyang saloobin si Vice tungkol sa paghihiwalay ng dating magdyowa na sumabak sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” last Friday.

Sa pagbisita ng ex-couple na sina Christine at Derick sa naturang dating game segment, isa raw sa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang unti-unting pagbabago at pagkalimot sa mga espesyal na okasyon sa kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Unique pinabulaanan ang mga isyung kumakalat: These imputations are misleading and false

“Alam mo ‘yung difference ng love sa in love? Kasi puwede niyang sabihin na mahal ko naman siya e, ‘yun din ‘yung pinagkaiba ng mahal mo ba siya o iniibig mo siya.


“Kasi ‘yung mahal, puwede mo siyang ibigay sa lahat sa maraming tao, pero ‘yung iniibig mo siya na ipinaparamdam mo, ibinibigay mo lang iyan sa pinaka-natatangi,” ang simulang payo ni Vice sa dating magkarelasyon.

Sabi pa ni Vice, magkaiba ang salitang mahal sa pagmamahal, “Kaya kung nararamdaman ko na mahal niya ako o sinasabi mo na mahal ko na naman siya e.

“Pero, napaparamdam mo ba sa kanya kung iniibig mo ba siya? Napaparamdam mo ba ‘yung pagiging natatangi niya,” sabi pa ni Vice.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi proud sa pagiging ‘weird’: We are all unique in our own way

Bukod dito, nasabi din ni Vice kina Christine at Derick at sa iba pang mga magdyowa na mahalaga sa relasyon ang pag-maintain sa sense of intimacy sa isang relationship.

“Para ma-maintain mo ‘yung pagiging in love mo doon sa relationship, it is a combination of constant combination of both conscious and unconscious efforts.


“Ang pagkakaiba ng mahal sa pag-ibig, ‘yung unique sense of intimacy, unique sense of intimacy.

“Kung hindi nararamdaman, kung hindi na evident sa relasyon ‘yung unique sense of intimacy mahal mo na lang siya pero hindi mo na siya iniibig.

“Kasi wala nang katangi-tangi sa nararamdaman niyo sa isa’t isa wala na kayong ginagawa sa isa’t isa na katangi-tangi.

“Yung ipinapakita at ginagawa at ginagawa niyo sa isa’t isa napapakita niyo na sa lahat at wala ng espesyal,” aniya pa.

Read more...