Kelvin inabuso noong bata, na-diagnose ng ADHD, dyslexia, PTSD, bipolar

Kelvin inabuso noong bata, na-diagnose ng bipolar, ADHD, dyslexia, PTSD

Kelvin Miranda

NAG-OPEN up ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda tungkol sa mga naging struggle niya sa kanyang showbiz career at personal life.

Nag-share si Kelvin ng mga pinagdaanan niyang pagsubok hinggil sa kanyang mental health problems at kung paano naapektuhan nito ang pagtatrabaho niya, lalo na ang pagganap sa iba’t ibang karakter.

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda naranasang masigawan, ma-bully: Kahit hindi ako ‘yung may kasalanan ako pa rin ‘yung pinapagalitan

Maraming rebelasyon si Kelvin sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga para sa YouTube channel nitong “Toni Talks” kabilang na ang pag-amin na never niyang in-aspire na maging celebrity.


Ayon sa binata, pinasok niya ang showbiz dahil gusto niyang makatulong sa pamilya pero habang tumatagal, nararamdaman niyang naaapektuhan na ng pag-aartista ang kanyang mental health.

“Ayoko rin siya minsan parang nakakasira siya sa mental health ko. Kasi sinabi rin na makakasama siya for me dahil sa disorder ko.

“‘Yun din ang pinaka ayaw ko once na na-trigger na ako. Nagkakaroon ng episodes,” sey ni Kelvin.

Ni-reveal din ng Kapuso star na na-diagnose siya ng bipolar I, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), mild dyslexia, at post traumatic stress disorder (PTSD).

Baka Bet Mo: Kelvin Miranda gusto nang magkadyowa: Pero sa ngayon mahirap ‘yung commitment

Ito’y matapos nga siyang makaranas ng “patterns of impulsive behavior,” “breakdowns” at ang hirap ng pagbitaw sa mga ginagampanang karakter.

Nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng PTSD, nagpakatotoo rin sa pagsagot si Kelvin, “Naabuso din kasi po ako noong bata ako. Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan.”


Siya raw ay 8 or 9-anyos nu’ng mangyari ang pang-aabuso sa kanya kaya kinailangan niyang balikan ang mga tao at lugar na nakasasam niya noon.

Bukod sa pagpapagamot at pagdarasal, sinubukan din niyang umiwas sa social media para hindi na masyadong maapektuhan ng pamba-bash sa kanya.

“Kahit na anong ginawa mong mabuti, para sa kanila never ka naging mabuting tao. Kahit na marami ka rin sinakripisyo.

“Kasi parang nakikita lang ng tao ‘yung mali eh. Hindi nila nakita ‘yung kung paano ka naging mabuting tao para sa kanila.

“Kung ano ‘yung ginawa mo para magawa mo ‘yung bagay na iyon sa kabubuti nila. Hindi nila makikita, hindi nila ma-appreciate, eh.

“Hindi ko sinasabi ako ‘yung pinakamabuting tao. Pero hindi ako masamang tao, alam ko po iyon,” sabi pa ng binata.

Very soon, mapapanood na si Kelvin sa upcoming GMA fantasy series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre” kung saan makakasama niya sina Angel Guardian, Faith Da Silva, at Bianca Umali.

Showing pa rin sa mga sinehan ngayon ang movie niyang “Chances Are, You and I” kasama ang Kapamilya actress na si Kira Balinger.

Read more...