Philmar sa viral video nila ni Crissa: ‘It was edited to create an issue’

Philmar sa viral video nila ni Crissa: ‘It was edited to create an issue’

Andi Eigenmann and Philmar Alipayo, Crissa Habibi

FOR the first time, nagsalita na ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo kaugnay sa kumakalat na isyu with content creator na si Crissa Habibi.

Ito ay matapos makausap ng King of Talk na si Boy Abunda ang engaged couple para sa special segment nitong “My Mother, My Story” na ipapalabas sa darating na June 9.

Kwento ng professional surfer kay Tito Boy, nakainom siya that time at nagkausap lang daw sila ni Crissa.

“Nakausap ko rin po ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo and for the first time, Philmar address itong umiikot, itong current issue ngayon tungkol sa kumakalat na viral video that is causing a stir on social media,” panimula ng TV host sa kanyang programang “Fast Talk.”

Chika ni Tito Boy, “What happened was, uminom si Philmar, had a friendly conversation with this girl on the video and that’s it, sabi ni Philmar at sabi ni Andi.”

Baka Bet Mo: Philmar naglabas ng resibo para patunayang si Andi lang ang mahal

Nakwento rin ni Philmar na tinawanan lang nila ni Andi ang nasabing video ‘nung una hanggang sa nilagyan na ito ng malisya.

“Kaya ‘nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” sey ng King of Talk.

Maliban sa isyu, napag-usapan din daw ng tatlo ang tungkol sa buhay nila sa Siargao, pati na rin ang plano nila na magpakasal.

Magugunita na naglabasan sa social media kamakailan lang ang malisyosong chika tungkol sa fiancé ni Andi na nakikipaglandian kay Crissa na siyang nag-upload ng viral video.

Marami ang nagnega at nam-bash kay Philmar dahil diyan.

Agad namang nagpahayag ng reaksyon si Andi patungkol sa kumalat na kontrobersiya at sinabing wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng kanyang future husband.

“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,” ang pahayag ng dating aktres sa kanyang Instagram Stories.

Dagdag pa niya, “What’s shameful is purposely posting and editing a video to cause a stir, disturbing the peace of people and dragging them into their negativity, just for some social media attention.”

Kasunod nito, si Crissa naman ang naglabas ng statement kung saan ipinagdiinan niyang walang nangyaring “something” sa kanila ni Philmar.

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang isyu sa social media,” sambit ng TikTokerist.

Inamin din niya na kasalanan niya kung bakit sila naiisyu ngayon ni Philmar, pero inulit-ulit niyang walang landian na nangyari.

Read more...