Isay Alvarez pinuri si Kathryn; naloka sa youngstar at veteran actress

Isay Alvarez pinuri si Kathryn; naloka sa youngstar at veteran actress

Kathryn Bernardo at Isay Alvarez

ABOT-LANGIT ang papuri ng seasoned theater, TV at movie actress na si Isay Alvarez sa Box-Office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Isa si Isay sa mga naging mentor ni Kathryn noong bata pa lamang ang aktres kaya naman very proud siya sa narating at na-achieve ng dalaga.

Grabe raw ang disiplina, sipag at dedikasyon ng Kapamilya actress pagdating sa trabaho kaya sana raw ay magkatrabaho naman sila sa isang stage play.

Baka Bet Mo: Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

“Alam mo, meron kaming Performing Arts School nun, e. Nagtuturo kami ng singing, musical instruments, at saka mga workshops.

“Alam mo yung si Kathryn, dahil gusto niyang magkaroon pa ng ibang magtuturo sa kanya, nag-take up siya ng musical theater workshop sa amin.


“And I was one of the teachers, ako ay isa sa mga mentors. Bata pa siya nu’n, and I was really impressed by her talent.

“Nu’ng time na yun, acting, excellent na siya, e, dancing. She was trying to hone her singing skills and performing on stage. And because of that, hats off talaga ako sa bata na yun,” pahayag ni Isay sa panayam ni Gorgy Rula sa DZRH,

Baka Bet Mo: Kyla sa 10th wedding anniversary nila ni Rich: Hanggang ngayon kinikilig at natataranta pa rin ako sa ‘yo

Naikuwento rin ng beteranang aktres na may mga nakakalokang experience rin siya sa mga pasaway at nag-a-attitude na youngstars.

“Meron kaming matinding director na very demanding. Ang gusto niya pag yung eksena iri-rehearse niyo nang matagal para pag nag-take perfect, and meaning to say, kailangan niyong i-memorize lahat.


“E, minsan nagtutuhog yun, pagkatapos ng eksena yung tuluy-tuloy. So, you really have to really ano your lines, yung blocking palipat-lipat yun.

“Dahil magulo yung mangyayari sa eksena, I asked lang pag nung umalis na yung director. E, usually, di ba, nasabi na sa inyo kung saan kayo pupunta, kung ano yung gagawin niyo. Pupunta na siya sa system. So, maiiwanan na kayo sa set,” kuwento ni Isay.

“Ako, meron akong ugali na baka hindi niya type yung ganung ugali na hangga’t hindi nagti-take, kung puwede mag-rehearse muna, i-rehearse ko muna para mas swabe kung ano yung mangyayari.

“Sinabi ko du’n sa artista, for example, ‘Ganda, puwede ba nating i-rehearse yung mga linya natin?’

“Sinagot ba naman ako, tinawag ba naman… for example ang pangalan ng floor director, Lina. ‘O Lina, i-rehearse mo daw si Tita Isay.’

“Ano naman ang makukuha ko, of course, I can throw lines with the floor director. Pero iba pa rin yung ikaw na kaeksena kong maganda ka, e, makapag-rehearse naman.

“Well, ayaw niya. Nainis na lang ako sa kanya. Sabi ko, ‘Talaga itong babaeng ito!’ But anyway, hindi naman siya ganun kasikat ngayon. Kaya okay lang,” rebelasyon ng aktres.

Bukod dito, may nakatrabaho rin siyang uma-attitude na veteran star, “Meron lang sigurong mga beteranang artista na nakasabay ko na medyo tinatarayan ako na hindi pa kami nagkatrabaho.

“Nagkita kami sa isang eksena, sabi niya, ‘You’re from the theater (nagmuwestrang umirap).’ Sabi ko, ‘Ah, opo.’

“Ay! Anyway, ayaw din niyang mag-rehearse, ayun, paulit-ulit siya. Hayaan na lang natin. Pero alam naman natin, taga-teatro man ako, pero pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho,” pagbabahagi pa ni Isay Alvarez.

Read more...