KC Concepcion, Mike Wuethrich nag-unfollow sa IG, hiwalay na ba?

KC hiwalay na sa Fil-Swiss dyowang si Mike Wuethrich, nag-unfollow sa IG

KC Concepcion at Mike Wuethrich

NAGHIWALAY na nga ba ang singer-actress at businesswoman na si KC Concepcion at ang kanyang Filipino-Swiss dyowa na si Mike Wuethrich?

Yan ang nagkakaisang tanong ng mga Marites all over the universe matapos nilang mapansin na nag-unfollow sa isa’t isa sina KC at Mike sa Instagram.

Nito pang nagdaang Friday, May 31, nag-un-follow ang magdyowa sa kani-kanilang Instagram page dahil hindi na sila lumalabas sa following list ng isa’t isa.

Baka Bet Mo: True ba, Zeinab Harake hindi na ni-renew ang kontrata para sa isang endorsement, anyare?

Nang i-check namin ang Instagram account ni Mike, wala na ang ipinost niyang litrato nila ni KC noong September, 2023. Pero makikita pa ang Instagram reels ni KC kasama si Mike.

Matatandaan na nitong nagdaang April unang nabalita na mukhang hiwalay na sina KC at Mike dahil napansin ng mga netizens na hindi na nagpo-post ang magdyowa ng mga bago nilang pictures.

Sinundan pa ito ng hindi umano pagdalo ni Mike sa 39th birthday salubong ni KC last April 7, kaya naman inisip ng mga netizens na hiwalay na ang dalawa.


Pero agad binasag ni KC ang chikang break na sila ni Mike nang mag-post siya sa IG ng isang video kung saan ipinakita ng dalaga ang pagbibigay ng bulaklak ni Mike sa kanya.

Nag-thank you si KC kay Mike na nakapagbigay pa sa kanya ng bulaklak kahit wala ito sa Pilipinas.

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”

Baka Bet Mo: Dionne Monsanto buntis na: Best birthday and birthday gift so far!

Binati rin niya noong April 23 si Mike nang mag-birthday ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories kalakip ang sweet picture nila ni Mike.

“Happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two.

“I enjoy every adventure you take me to, and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you.

“I so enjoy your smile when i see it so keep smiling!

“Despite the distance there’s a reason god made our paths cross… it’s exciting the good things he has in store for us and for you!

“Enjoy today… HAPPY BIRTHDAY! let’s celebrate you!!!” ang birthday greeting ni KC sa kanyang partner.

Pero noong May 18 nga, feeling ng fans ni KC ay totoong hiwalay na sila ni Mike matapos mag-post ng mga litrato niya sa Instagram na may caption na, “Moving on.”

Read more...