HINDI makakaila na mabenta sa marami ang nakakakilig na “chemistry” ng aktres na si Kim Chiu at aktor na si Paulo Avelino.
Pero ano nga ba ang reaksyon nila para sa ilang fans na pine-pressure silang magkatuluyan in real life?
Ang sagot ni Paulo, bigyan sila ng oras na ma-enjoy na muna ang isa’t-isa, lalo na’t kagagaling lang ni Kim sa isang relasyon.
“I get where they’re coming from, like, when you see people on screen that you want to work, I would ship them as well but ahm, hinay hinay lang,” sey ng aktor sa interview ng isang entertainment digital portal.
Wika pa niya, “Kim just came from, hindi naman sa nangingialam, but Kim just came from a relationship so hayaan muna natin mag-enjoy ‘yung mga tao and give them time to explore a bit more.”
Baka Bet Mo: Kim, Paulo ginalingan sa ‘cabinet kissing scene’, totohanan ang eksena?
Sumang-ayon naman sa kanya ang leading lady at sinabing, “Tama naman, i-enjoy na muna natin ‘yung ngayon, ito.”
“And then…very thankful din kami sa suporta na binibigay nila samin, pagpapa-trend every episode, so masaya kami na napapasaya namin sila,” ani pa ng aktres.
Inamin din ni Kim na super happy siya sa naging pagtanggap ng madlang pipol sa tandem nila ni Paulo.
“Sino ba namang hindi kasi sa dami ng ginawa namin sana naman suportahan kami? Sobra din kaming happy,” sambit ng Chinita Princess.
Hirit naman ni Paulo, “I appreciate the time given [to the show]. It’s not easy to, like, keep tweeting or, like, talk about someone you admire all the time on social media.”
“So, I appreciate that time and effort that they’ve given us,” mensahe niya sa fans.
Kasunod niyan, tila inihayag ng dalawa na huwag ikonsiderang “loveteam” ang kanilang pagtatambal.
Bakit kaya?
“Loveteam is very pre-pandemic,” saad ni Kim habang tumatawa.
Kwento pa niya, “As our producer says, production teams in other countries don’t understand what a love team is; they always ask [what it is].”
Para raw sa kanya, mas prefer niyang tawagin sila bilang “tandem” or “on-screen partners.”
“Siguro parang nalipasan na siya na salita. Because we are the right age to decide on what we want to do, on what path we want to take in showbiz,” paliwanag ni Kim.
Aniya pa, “If the project is good, if the roles are okay for us, to give us growth or to give our audience a different taste, why would we not do it? Siguro maganda lang ang kwento.”