SB19, Apl.de.Ap nagsanib-pwersa, ibang level ang dance track na ‘Ready’

SB19, Apl.de.Ap nagsanib-pwersa, ibang level ang dance track na ‘Ready’

PHOTO: Courtesy of Sony Music

IBANG level ang inilabas na single ng Pinoy pop sensation na SB19.

Sa bagong release kasi nila, nakipagsanib-pwersa ang P-Pop group sa Filipino-American hip-hop superstar na si Apl.de.Ap!

Magugunitang kalalabas lang ng euphoric banger ng grupo na “Moonlight,” pero muli nilang paiinitin ang dancefloor kasama ang international singer sa bago naman nilang dance-pop track na “Ready.”

Ang bagong single ay prinoduce ni Keith Harris, ang longtime collaborator ng Black Eyed Peas.

Pagmamalaki ni Apl.de.Ap, maganda ang pagkaka-blend sa kanta dahil pinagsama-sama ang pop, electric at Afrobeats music.

Baka Bet Mo: SB19 game na game makipag-collab sa BINI: Let’s make it happen!

Ang resident BEP rapper ang nagsulat ng “Ready” kasama sina Jean-Baptiste, Vince Nantes, at Denzel.

Habang ang P-Pop star na si Pablo at ang ka-duo niyang si Josue sa Radkidz ang tumulong pagdating sa production ng track kung saan sila ang nagdagdag ng final touches at ilang sonic elements.

Ayon kay Stell, ang main vocalist, lead dancer at main choreographer ng grupo, game-changing ang naging experience nila sa paggawa nila sa bagong kanta.

“It was something new for the group. We appreciate the chance to delve into new genres and production styles that come with unfamiliar territory. But with Apl.de.Ap at the helm of the creative process, we’re just blessed to take on this assignment,” sey niya sa inilabas na pahayag ng Sony Music.

Wika pa niya “It’s not every day that you get to work with an artist you look up to.”

Kwento naman ni Justin, ang sub-vocalist at creative director ng SB19, “We never got the chance to record together in a single booth, but Apl.de.Ap was such a great guy to work with.” 

Aniya pa, “It’s an honor to collaborate with a global superstar of his caliber. We’ve learned so much from his generosity and creative feedback.”

Ang “Ready” ng SB19 at Apl.de.Ap’s ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

Read more...