NA-DISMISS pala ang kasong isinampa ng kilalang personalidad laban sa isang vlogger dahil napikon ito sa opinyon ng huli.
Matagal na itong nangyari kung saan mahigit dalawang taon na ang isyu pero kamakailan lang ito na-dismiss dahil wala raw basehan at maganda ang pagkaka-deliver ng vlogger ng kanyang opinion.
Napanood namin ang episode na ito kung saan pinaalalahanan pa nga ng vlogger ang kilalang personalidad, pero hindi ito nagustuhan ng huli kaya siya nagdemanda.
Katwiran ng abogado ay hindi naman private citizen ang kilalang personalidad kaya pwede siyang talakayin sa isang pag-uusap at bigyan ng opinyon sa mga bagay na may kinalaman sa isyu na kasama siya.
Anyway, tapos na ang kaso at panalo ang vlogger na hindi rin nito ipinagkaka-ingay at nalaman lang namin ito dahil sa naka-tsikahan namin ang taong kasama ng kilalang personalidad nu’ng magsampa siya ng kaso.
Sabi pa ng aming kausap, “Cyber libel ang ikinaso ni (kilalang personalidad) pero dismiss.”