‘Sinag’ nina Claudine at Direk Elaine Crisostomo bongga ang budget
By: Ervin Santiago
- 7 months ago
Claudine Barretto at Elaine Crisostomo
BONGGA ang production ng upcoming movie ni Claudine Barretto na “Sinag” kung saan for the first time ay gaganap siyang isang diwata.
In fairness, hindi raw titipirin ang budget ng “Sinag” at handang gumastos nang bonggang-bongga ang producer nitong si Bea Glorioso ng Entablado Films na siya ring tumatayong production manager.
Ayon sa isang source, sa costume pa lang daw ni Claudine na siya mismo ang pumili ay nagkakahalaga na ng halos P300,00, idagdag pa ang mga costume ng iba pang cast ng fantasy-drama-inspirational movie.
Malaki rin sigurado ang gagastusin ng production sa pangunguna ng direktor nitong si Elaine Crisostomo sa location dahil sa Nasugbu, Batangas sila ngayon nagsu-shooting.
Ayon kay Direk Elaine, masaya at super excited siyang makatrabaho si Claudine, “Matagal na kaming magkaibigan niyan. 90’s pa. Nag-Amerika lang ako then this time na nasa Pinas na ako, I told her na kailangang magtrabaho kami sa isang movie.
“And nag-isip kami ng script for her dahil alam naman natin na si Claudine, mahusay talagang umarte eversince and the films na ginawa niya, grabe! Kapag tsinek mo lahat, ang lalaking pelikula lahat and box-office hit lahat,” sabi pa ni Direk Elaine.
“Excited lahat to work with her lalo na ako. That’s why, heto, rolling na tayo and I will do my best bilang direktor niya sa pelikula para the fans and followers at lahat ng nagmamahal sa kanya ay hindi tayo mapapahiya,” saad pa ng direktor.
Ayon din sa scriptwriter nitong si Harvie Aquino na siya ring assistant director for the film, ginalingan niya rin ang pagsulat ng script para sa major comeback ni Clau.
“Nu’ng sinusulat ko talaga ang script, sabi ko, Claudine ito! Sinulat ko, ginawa ko and then I presented it to Direk Elaine and kay Claudine, alam mo yung feeling nu’ng binabasa niya ang script then tinanggap niya at nakita kong she’s happy with the dialogues, everything.
“Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko! Para talaga kay Claudine ang script at ang pelikulang ito,” ani Harvie.
Sa media announcement pa lang ng “Sinag” ay very vocal na si Claudine sa pagsasabing she’s excited to do the film dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap nga siyang diwata.
Isa raw ito sa talagang maipagmamalaki niya sa kanyang mga anak at sa mga kabataan dahil bukod nga sa maganda na ang kuwento at tema ay bongga rin ang production cost. Imagine, sa Amerika pa gagawin ang special effects ng movie!?
Star-studded dinnang “Sinag” dahil pumayag na ang mga kaibigang celebrities ni Claudine na mag-special appearance sa pelikula.
Inaasahang matatapos ang shooting ng movie ngayong darating na at inaasahang maipapalabas sa mga sinehan nationwide ngayong taon. Umaasa ang buong production na maisasali nila ang “Sinag” sa Metro Manila Film Festival 2024.