Alfred binati ng mga taga-Q.C. sa pagkapanalo sa FAMAS, pero inintriga

Alfred binati ng mga taga-Q.C. sa pagkapanalo sa FAMAS, pero inintriga

Alfred Vargas at Nora Aunor

“ANG tarush ni Konsi Alfred Vargas, binati siya ng constituents niya sa pagkapanalo niya ng Best Actor sa FAMAS!”

Ito ang mensahe sa amin ng netizen na nagpadala ng tarpaulin ng nasabing konsehal.

Ayon sa isang residente ng Distrito 5 ng Quezon City ay nakita niya ang tarpaulin na nakapaskel sa gate ng eskuwelahan kung saan may isinasagawang graduation ng mga mag-aaral.

Tinanong namin kung saang eskuwelahan ito pero hindi na kami sinagot ng netizen.

Baka Bet Mo: Aiko nagpasalamat sa mga netizens sa kabila ng pagpuna sa kanya

Ang nakalagay sa tarpaulin ay, “Congratulations! Hon Councilor Alfred Vargas for winning FAMAS Award Best Actor, Pieta, 2024. We are proud of you.


“From: Solid Friends of Barangay Pasong Putik.”

Kaagad naming ni-research kung saan itong Barangay Pasong Putik dahil unang beses namin itong narinig o nabasa. Ito pala ay matatagpuan sa Novaliches, Quezon City.

Baka Bet Mo: Kris Aquino hiwalay na agad kay Mark Leviste: ‘He wasn’t only my boyfriend, he became my best friend at talagang maaasahan’

“Nakakaaliw kasi sumabay talaga ang tarpaulin ni konsi Alfred sa mga bumabati rin ng congratulations sa mga magtatapos?” sabi pa ng netizen.

Ano ba ang gustong tukuyin ng nagpadala ng larawan? “Ano kinalaman ng pagkapanalo niya sa graduation ng mga estudyante?” sagot sa amin.

Hmmm, may punto naman ang netizen pero sa ganang amin ay natuwa lang siguro ang solid friends ng aktor kaya binati siya.

Proud siyempre sila sa pagkapanalo ng kanilang konsehal sa naturang award-giving body kaya sila naglagay ng tarpaulin. Pero hindi rin talaga maiiwasan ang malagyan ng intriga o malisya ang naturang pagbati.

Anyway, napanood namin through private screening ang pelikulang “Pieta” na pinagbidahan nina Konsi Alfred kasama sina Ms. Nora Aunor, Jaclyn Jose (R.I.P.) at Gina Alajat mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., handog ng produksyon ng aktor-politiko na Alternative Vision Cinema.

Read more...