NAGPAHAYAG ng suporta ang TV host-actress na si Donita Rose, pati ang kanyang mister na si Felson Palad para sa singer na si Sheena Palad matapos masangkot sa isyu.
Para sa mga hindi aware, si Sheena ay sister-in-law o hipag ni Donita at kapatid naman ni Felson.
Magugunitang kinuyog ng bashers si Sheena matapos niyang palitan ang movie icon na si Eva Darren bilang co-presenter ni Tirso Cruz III sa isang kategorya sa naganap na 72nd FAMAS Awards Night noong May 26 matapos ngang magkaaberya sa event.
Dahil sa mga batikos, nagsalita si Sheena sa pamamagitan ng Facebook video at ipinaliwanag na last minute siyang sinabihan ng staff na mag-present ng award at hindi niya alam na si Eva pala ang dapat na presenter.
Sa comment section, makikitang nagbigay ng suporta si Donita sa kanyang sister-in-law.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz napamura sa ginawa ng FAMAS kay Eva Darren: Mga palaka kayo
Sey niya, “There is light at the end of the tunnel, sis!”
“We stand together as one family. If your family and your God is for you, who can be against you? You are surrounded by so much love, so be reminded that you are not going through this alone,” dagdag ng aktres.
Sa isang Instagram post naman, inamin ni Felson na nasasaktan siya sa mga ibinabatong masasamang salita sa kanyang kapatid.
“As with any parent, it pains me deeply to witness the accusations and mistreatment she has endured. However, I choose not to dwell on that and instead focus on my sister’s well-being,” sambit niya sa IG.
Patuloy niya, “What I am certain of is this: despite the hurt caused by the words and actions directed at her, my sister is resilient.”
“She finds strength in her faith, knowing that her Heavenly Father watches over her and that she has been raised as a warrior guided by the word of God,” ani pa niya.
Nauna nang humingi ng sorry ang pamunuan ng FAMAS sa nangyari at sinabing hindi kasi nila makita sa event ang batikang aktres kaya napilitan silang palitan ito.
Tumugon naman diyan ang anak ni Eva na si Fernando de la Peña at sinabing imposible na hindi mahanap ang kanyang ina dahil nakaupo ito sa harap.
Tinanggap din ni Fernando ang paghingi ng tawad ng FAMAS at pinayuhan ang organizers na “stick to the script” at magsuot ng salamin o eyeglasses para sa awarding ceremony sa susunod na taon.