Piolo labas-dila, nangulit nang bongga nang malasing sa FAMAS Awards

Piolo labas-dila, nangulit nang bongga nang malasing sa FAMAS Awards

Piolo Pascual, Cedric Juan, JC Santos at Bryan Dy kasama ang iba pang cast ng ‘Mallari’

MARAMING nagulat na netizens na nakapanood sa katatapos lang na FAMAS Awards Night sa pamamagitan ng Facebook Live.

Lasing daw kasi si Piolo Pascual nang tanggapin ang kanyang tropeo sa pagka-Best Actor para sa pelikulang “Mallari”. Sina Ginoong Christopher de Leon at former Congw. Vilma Santos-Recto ang nag-present ng naturang award.

Hindi naman itinanggi ng aktor na nakainom siya dahil sa tagal mag-start ng Gabi ng Parangal na sa simula ay shot-shot lang hanggang sa naparami na pala.

Baka Bet Mo: Chelsea Manalo deserving nga bang maging Miss Universe PH 2024?

Ikatlong FAMAS trophy na ito ni Piolo, una siyang nanalong best actor sa pelikulang “Milan” noong 2005 at Best Supporting Actor naman sa “Dekada 70” taong 2003.


Anyway, aliw na aliw ang ilang nakakita sa pagiging makulit ni Papa P nu’ng gabing yun dahil may mga nakakita pala sa kanya sa backstage – nakakatuwa raw pala malasing ang aktor.

At pinatotohanan din naman ito ng mga larawang ipinost ng Mentorque President at CEO na si Bryan Dy sa kanyang FB account na makikitang tinanggal na ni Piolo ang kanyang suit at nakadila pa at kinukulit si Cedric Juan na nakasama rin nila sa grupo.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nabigla sa hiwalayang Kris Aquino-Mark Leviste: Akala ko happy ending na

Ang caption ni Bryan sa ipinost niyang larawan, “Marami po siyang papasalamatan, pero madami na din po siyang nainom! Hehe labas ang kulit ni Piolo Pascual.

“Di nila alam wala ka pa sa kalahati ng kulit ni JC Santos. Ha ha ha Sulit ang pagod at puyat mo bro! Congrats to the entire team! Still in cloud 9!”

Speaking of JC Santos, sobrang kulit din  ng aktor dahil nakainom na rin bahang naghihintay tawagin ang pangalan niya bilang presentor kasama si Ms. Sandy Andolong.


Hay naku, ang daming kuwento off-camera sa mga makukulit na bida ng “Mallari The Movie” na tinanghal na Best Picture sa 72nd FAMAS.

Sayang nga at hindi nakadalo si Ms. Gloria Diaz na nanalong best supporting actress dahil for sure marami rin siyang kuwentong masi-share.

Congratulations Team Mallari!

Read more...