KOGA absuwelto; BEDA No.1 pa rin | Bandera

KOGA absuwelto; BEDA No.1 pa rin

Mike Lee - November 06, 2013 - 03:00 AM

Mga Laro Bukas
(SM Mall of Asia Arena)
12:20 p.m. Letran vs
San Sebastian
2:30 p.m. San Beda vs Perpetual Help

INABSUWELTO ng NCAA Management Committee si Ryusei Koga at nanatiling top seed ng Final Four ng men’s basketball ang San Beda Red Lions.

Dahil sa kakulangan ng ebidensiya ay hindi na itinuloy ng ManCom ang pagdinig sa kaso ni Kogi at ng isa pang NCAA player na si Jeremiah Taladua ng Lyceum.

Sina Koga at Taladua ay pinaghinalaang naglaro sa ibang liga sa kahagitnaan ng NCAA season. Labag ito sa panuntunan ng NCAA.

Sakaling napatunayang lumabag nga si Koga sa patakarang ito ay masususpindi siya ng tatlong laro at babawiin sa San Beda ang apat na panalo na nakuha nila kung saan naglaro sa kanila si Koge.

Ang Red Lions ay tumapos sa unang puwesto sa 15-3 baraha sa  elims at nangambang babagsak sila sa 11-7. Papasok pa rin  naman sa semis ang koponan pero mahuhulog na ito  sa  ikaapat na puwesto.

Dahil sa desisyon ng NCAA ManCom ay matutuloy ang Final Four bukas sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City nang walang aberya.

Sa unang laro ganap na alas-12:30 ng hapon ay magtutuos ang No. 2 Letran Knights at No. 3 San Sebastian Stags at dakong alas-2:30 naman ay maghaharap ang No.1 San Beda Red Lions at No. 4  Perpetual Help Altas.

Tangan ng Red Lions at Knights ang twice-to-beat advantage sa semifinal round. Ang mga laro ay ipapalabas ng live sa TV5.
Sinabi naman ni San Beda team manager Jude Roque na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon ng umaga na  hindi nag-sagawa ng sariling imbestigasyon ang San Beda dahil wala naman silang nakuhang opisyal na komunikasyon mula sa  liga hinggil sa protesta o sa imbestigasyon.

“Nalalaman lamang namin ang mga nangyayari sa mga nababasa namin kaya mahirap isipin ang puwedeng mangyari. We are waiting for the decision and kami, if the decision is fair, we will abide and cooperate,” sabi ni Roque.

Pumunta rin sa lingguhang forum si Letran assistant coach Gerald Francisco. Aniya,  hindi nila iniisip  ang imbestigasyon patungkol kay Koga at sa halip at itinutuon ang ensayo para sa Final Four.

Si Caloy Garcia ang nakaupong mentor ng Letran matapos palitan si Louie Alas na nagbitiw matapos mabigo ang koponan sa pagbulsa sa titulo noong nakaraang taon kontra San Beda.

“Masaya kami dahil nasa Final Four kami at nagawa ito kahit bago ang mga coaches. Ang mga players ang mga veterans kaya sa kanila kami aasa. Sa ngayon ay San Sebastian ang makakalaban namin pero puwedeng magbago.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta kami laro lang at kahit sino ang makalaban, walang problema,” sabi ni Francisco. Sinabi naman ng ManCom na sakaling may lumabas na matibay na ebidensiya  ay bubuksan nila ang kaso laban sa dalawa.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending