AKTOR nina Dingdong dismayado sa FAMAS, nakisimpatya kay Eva Darren

AKTOR nina Dingdong dismayado sa FAMAS, nakisimpatya kay Eva Darren

Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Eva Darren

NAGPAKITA ng suporta at pakikisimpatya ang AKTOR League of Filipino Actors sa beteranang aktres na si Eva Darren matapos ang kontrobersya sa FAMAS Awards Night nitong Linggo.

Hindi rin nagustuhan ng naturang organisasyon ng mga artista sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual ang pambabastos umano ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa veteran star.

Baka Bet Mo: Dingdong maibibigay na ang bonggang health package para sa mga miyembro ng AKTOR PH

Ito nga yung pagkakatanggal umano sa pangalan ni Eva Darren sa listahan ng mga celebrities na magpi-present ng award sa naganap na gabi ng parangal.


Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ang AKTOR ng official statement kung saan sinabi nitong mukhang nagkulang at sumablay talaga ang nasabing award-giving body sa kanilang produksyon.

“An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies.

“It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member,” simulang pahayag ng AKTOR.

“It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate incident that happened to one of our respected and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies.

Baka Bet Mo: FAMAS nag-sorry kay Eva Darren matapos magreklamo ang anak

“We are deeply saddened by the seeming lapse in the management of the program,” ang nakasaad pa sa statement.


Dagdag pa ng grupo, “Now, more than ever, it’s crucial to safeguard and honor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.”

“AKTOR, the League of Filipino Actors, extends its warmest support and solidarity to Ms. Eva Darren,” ang mensahe pa ng grupo nina Dingdong at Piolo.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang ginawa umanong pambabastos at pambabalewala kay Eva Darren ng FAMAS sa kanilang awards night matapos siyang hindi paakyatin sa stage para maging presentor sa isang kategorya.

Nagreklamo at naglabas ng hinaing ang anak ng beteranang aktres na si Fernando de la Pena sa pamamagitan ng isang open letter sa Facebook.

Agad namang nag-issue ng public apology ang FAMAS sa nagawa nilang pagkakamali kay Eva Darren na tinanggap naman ng pamilya ng aktres at movie icon.

Read more...