Sino nga ba ang veteran actress at movie icon na si Eva Darren?

Sino nga ba ang veteran actress at movie icon na si Eva Darren?

Eva Darren

GRABE ang ginawang ingay ng naging pagkakamali ng FAMAS sa kanilang awards night nitong nagdaang Linggo, May 26 sa Manila Hotel.

Napakaraming nakisimpatya sa ginawa nilang sablay sa veteran actress na si Eva Darren na nakatakda sanang mag-present para sa isang kategorya kasama ang premyadong aktor na si Tirso Cruz III.

Baka Bet Mo: Veteran actress Eva Darren binastos daw sa FAMAS awards, anak umalma

Inamin na ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) organizers na nagkamali sila sa nangyaring kontrobersya kung saan natanggal nga si Eva Darren sa listahan ng presentor at pinalitan ng isang baguhang singer.


Ayon sa official statement ng naturang award-giving body, “FAMAS would like to express its sincerest apologies to Miss Eva Darren, an icon in Philippine Movie Industry and a professional actress whose career is indubitably worthy of emulation.

“She was part of the program in last night’s Awards Night and was supposed to present Special Citations with Mr. Tirso Cruz III.

“But considering that we were running a live show, and due to myriads of people present in last night’s festivities, the production team was not able to locate Ms. Darren,” sabi ng FAMAS.

Tinanggap naman ng pamilya ni Eva Darren ang pagso-sorry ng FAMAS. Sabi ng anak ng beteranang aktres na si Dr Fernando de la Pena, “For the reasons I stated above and on behalf of my mother, Ms. Eva Darren, our family accepts the olive branch that FAMAS has extended and only hope that future events would prove to be contrasting.

“I understand that we are but a small voice in the back row of a rowdy crowd, but if I may humbly, personally, recommend two things for the 73rd FAMAS Awards Night:

“Please stick to the script X X X and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge,” aniya pa.

Baka Bet Mo: FAMAS boldyak din kay Rita: Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?

Sa gitna ng isyung ito, ay naging interesado tuloy ang marami kay Ms. Eva Darren at marami ang nagsasabi na siguradong maraming producer ngayon ang kukuha sa kanyang serbisyo.


Siguradong hindi rin in-expect ng 77-anyos na veteran actress ang nangyayari ngayon pagkatapos ng naganap na insidente sa FAMAS.

Grabe ang natatanggap niyang suporta mula sa mga netizens at sa mga kasamahan niya sa showbiz industry. May mga nag-suggest pa nga sa GMA 7, ABS-CBN at TV5 na kunin ang aktres sa kanilang mga teleserye at pelikula.

Pero sino nga ba si Eva Darren? Bakit itinuturing din siyang isang icon sa Philippine TV and cinema?

Unang-una, nakatanggap na rin siya ng FAMAS trophy noong 1969 kung saan nanalo siyang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Ang Pulubi” kung saan gumanap siyang lesbian lover ng yumaong award-winning actress na si Charito Solis.

Bago siya nanalo sa FAMAS noong 1969, dalawang beses din siyang na-nominate for Best Supporting Actress para sa 1967 film na “Ang Langit Sa Lupa” at sa 1968 movie na “Igorota.”

Nagsimula siya bilang bit player sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1960s. Ang kauna-unahan niyang pelikula base sa Wikipedia ay ang “Aninong Bakal” (1963).

Nagpatuloy ang career ni Eva Darren sa pelikula hanggang sa mabigyan na nga siya ng big break at gumanap bilang leading lady sa mga action movies ni Tony Ferrer at iba pang action stars noong panahong yun.

Taong 1998, isa siya sa mga nominado sa Gawad Urian para sa Best Supporting Actress category sa pelikulang “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” na pinagbidahan ni Rosanna Roces.

Nakasama rin siya sa iba pang pelikula ni Osang tulad ng “Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga” at “Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya.”

Napakarami rin niyang nagawang teleserye sa loob ng ilang dekada, kabilang na riyan ang classic Kapamilya series na “Pangako Sa ‘Yo” noong 2000 na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Nandiyan din ang “Mula Sa Puso” ni Claudine Barretto, “Ang Panday”, “Carmela” nina Marian Rivera at Alden Richards, at ilang beses din siyang lumabas sa “Maalaala Mo Kaya” ni Charo Santos.

Ang huling TV series na ginawa ng beteranang aktres ay ang “Kadenang Ginto” ng ABS-CBN noong 2018.

Read more...