Cassy super sweet sa b-day message kay Darren: I’m always here for you

Cassy super sweet sa b-day message kay Darren: I'm always here for you

PINUSUAN at ni-line ng maraming fans and birthday message ni Cassy Legaspi para sa kanyang special friend na si Darren Espanto.

Nag-post ang Kapuso TV host-actress sa kanyang Instagram Stories ng mga litrato nila ni Darren na magkasama na may caption na, “Happy Happy Birthday DB!! ‘D Total Package.’”

Dagdag mensahe pa ng kakambal ni Mavy Legaspi para kay Darren, “Stay kind & true to yourself always D (alam mo na yun….hehe) don’t forget to pace yourself and take care of yourself.”

“You already know that I’m always here for you and I always have been,” ang huling bahagi ng birthday message ni Cassy sa Kapamilya singer-actor at dancer.

Baka Bet Mo: Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Ni-repost ni Darren ang mga pictures nila ni Cassy at nilagyan ng caption na, “Thank you, DB!” with matching yellow heart emoji.

Matatandaang nagkaisyu ang magkaibigan nitong mga nakalipas na linggo dahil inakala ng kanilang mga tagasuporta na magkaaway sila matapos aminin ni Darren na friends lang sila ni Cassy.

Pero nilinaw nga ng Kapuso actress na magkaibigan lang sila ni Darren pagkatapos ngang ipangalandakan ng singer single na single siya ngayon.

Samantala, binigyan ng birthday surprise ng kanyang “It’s Showtime” family si Darren last Friday, May 24, kung saan isa-isa siyang binati ng mga kasamahan niya sa programa.

Tinanong siya ng kanyang co-host na si  Kim Chiu kung ano ang kanyang  nararamdaman ngayong 23 years old na siya.

“Parehas pa rin naman, ito pa rin. Pero siyempre, I’m excited to see where my life is headed towards ngayong 23 ako. Siyempre, may concert din ako sa June 1, so isa ‘yun sa aabangan ko,” sagot ni Darren.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Darren ang kanyang birthday photoshoot kung saan binati uli siya nina Kim, Anne Curtis, Jugs Jugueta, Denise Laurel, Julie Anne San Jose at marami pang iba.

Read more...