WAGING-WAGI ang pasabog na performance ng Filipino Drag Queen na si Marina Summers para sa grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2024.
Si Marina Summers ang nag-perform para sa grand opening number ng naturang national pageant kung saan nakasama niya ang 53 candidates mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Kumanta si Marina with matching paandar na dance number pa sa kanyang version ng “Amakabogera” ni Maymay Entrata, ang “AMAFILIPINA”.
Baka Bet Mo: Marina Summers bet na bet si Maymay! Yung Amakabogera pambakla talaga siya
Nakasama ni Marina sa nasabing prod number ang reigning Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee.
In fairness, talagang kabogera ang production number ng Pinay Drag Queen na umani ng hiyawan at palakpakan mula sa audience.
Pagkatapos magpakilala ng 53 kandidata on stage ay pumagitna uli siya at nagpakilala sabay sigaw ng “The Philippines!”
Bago ang kanyang special appearance sa Miss Universe Philippines 2024 pageant, humataw muna si Marina sa second season ng “RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World” where she finished as joint-third.
Baka Bet Mo: Marina Summers nakuha ang 2nd win sa Drag Race: ‘You’re born to do drag!’
Ang nanalo sa competition ay ang Drag Queen mula sa Great Britain na si Tia Kofi.
Pero sa kabila nito, talagang nagmarka nang bonggang-bongga ang bet ng Pilipinas dahil sa weekly performance niya sa show na palaging umaani ng papuri sa mga judge at manonood.
Tinawag pa nga ni Alan Carr si Marina bilang Lip Sync Assassin habang “a drag queen’s drag queen” naman ang tag sa kanya ni Michelle Visage. Siya rin ang tanging contestant with multiple badges from maxi challenges and runways at three.
Napili na ang Top 20 finalists sa ginaganap na national pageant sa Mall Of Asia Arena at mula sa kanila, isa ang tatanghaling bagong Miss Universe Philippines na siyang papalit sa trono ni Michelle Dee.