PASOK sa Top 20 finalists ang mga early favorites ng pageant fans sa ginaganap ngayong Miss Universe Philippines 2024 grand coronation night sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kabilang sa mga kandidatang magpapatuloy sa next round ng naturang national pageant ang mga sumusunod:
Baka Bet Mo: Tracy Maureen Perez pasok na sa Top 13 ng 70th Miss World; Miss Mexico pinalakpakan, hiniyawan nang bongga
1. Maica Martinez, Nueva Ecija (Miss Bingoplus Universe Philippines winner)
2. Alexie Brooks, Iloilo City (Uplose and Personal Challenge winner)
3. Angel Rose Tambal, Leyte (Runway Challenge winner)
4. Patricia Bianca Tapia, Hawaii (Swimsuit Challenge winner)
5. Tamara Ocier, Tacloban (Casting Commercial Challenge winner)
6. Cyrille Payumo, Pampanga
7. Christina Chalk, United Kingdom
8. Ma. Ahtisa Manalo, Quezon Province
9. Kris Tiffany Janson, Cebu
10. Victoria Vincent, Bacoor
11. Kayla Carter, Northern California
12. Tarah Valencia, Baguio
13. Alexandra Rosales, Laguna
14. Stacey Daniella Gabriel, Cainta
15. Anita Rose Gomez, Zambales
16. Raven Doctor, Palawan
17. Christi Lynn McGarry, Taguig
18. Kymberlee Street, Australia
19. Chelsea Manalo, Bulacan
20. Selena Reyes, Pasig
Maglalaban-laban ang 20 finalists sa mga susunod na challenges kung saan kukunin ang Top 10 na aabante naman sa huling round ng pageant.
Ang ilan sa mga semifinalists na rarampa pa more on stage at mabibigyan ng chance na makasungkit sa titulo at korona ay ang mga nanalo sa preliminary competition.
Kasama na nga rito ang naganap na preliminary interview at ang mga Swimwear Challenge, Up Close & Personal (personality interviews) at Runway Challenge.
Ito ang ikalimang pagtatanghal ng hiwalay na pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Una itong isinagawa noong 2020, kung saan kinoronahan si Rabiya Mateo mula Iloilo City na nagtapos sa Top 21 ng naturang international pageant.
Sumunod sa kanya si Beatrice Luigi Gomez na nagbalik sa bansa sa Top 5 ng contest at ang Kapuso actress na si Michelle Dee na umabot naman sa Top 10 finalists.
Kung sino man ang kokoronahang reyna, siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico.
Tungkulin niyang maiparamdam uli ang powers ng Pilipinas sa Miss Universe pageant, makaraang maputol noong 2022 ang 12-taong sunod-sunod na pagpuwesto ng bansa.
Tatangkain din niyang maging ikalimang Pilipinang makapag-uuwi ng korona, kasunod nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).