Dominic naka-move on na sa breakup nila ni Bea: I’m OK, I’m happy!

Dominic naka-move on na sa breakup nila ni Bea: I'm OK, I'm happy!

Bea Alonzo at Dominic Roque

MALIGAYA na ngayon ang dating aktor at content creator na si Dominic Roque ilang buwan mula nang maghiwalay sila ng dating fiancée na si Bea Alonzo.

Mukhang naka-move on na nga nang bonggang-bongga si Dom matapos ang kontrobersiyal at maintrigang breakup nila ni Bea tatlong buwan na ngayon ang nakararaan.

Ayon kay Dominic, maayos at mabuti naman daw ang pakiramdam niya bilang single man uli at patuloy na nagpapakatatag sa gitna ng mga challenges na kanyang kinakaharap.

Baka Bet Mo: Kathryn ninenega ng bashers, bad influence nga ba ang mga kaibigan?

Na-interview ng Kapuso news program ng GMA na “Saksi” si Dominic kung saan kinumusta nga siya after ng trending at viral breakup nila ni Bea.


Ang maikling tugon ng binata, “I’m okay. Yeah, I’m happy, actually. Everything is okay.”

Aniya, habang nasa proseso ng pagmu-move on, nag-focus daw si Dom sa pag-aasikaso sa kanyang mga business pati na ang paggawa ng contents sa kanyang social media account.

Aniya, “Yung mga ginagawa ko, the usual, work and travel also.

“I’ve been doing contents for myself, for my social media, and I’ve been going around for the Philippine group na motorcyle,” sey pa ng dating dyowa ni Bea.

Samantala, isa pa sa naitanong kay Dominic ay ang tungkol sa pinag-usapang lock screen ng kanyang cellphone na talaga namang nilagyan ng malisya ng netizens.

Baka Bet Mo: Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan

Ito yung naispatang photo ni Bea  kasama ang kanyang pet dog na siyang ginawang lock screen ni Dom sa cellphone niya.

Nagsimula ito nang kumalat sa social media ang kuhang video ng isang netizen nang magpa-picture kay Dominic sa isang event.

Makikita ang dating aktor na hawak ang kanyang cellphone at nang itaas nga nito ang kamay para mag-peace sign ay biglang nag-ilaw ang hawak niyang cellphone.

Nakita sa lock screen ng telepono niya si Bea na nakahiga sa kama katabi ang alaga niyang white maltese dog.

Kaya ang sundot na tanong kay Dominic, hanggang ngayon ba at si Bea pa rin ang lock screen sa cellphone niya? Natawa muna ang binata sabay sabing, “Wala, iba na.”

This year sana ang wedding nina Bea at Dominic pero hindi na nga ito natuloy matapos maghiwalay ang engaged couple. Walang ibinigay na dahilan ang dalawa sa kanilang breakup.


Naghiwalay ang BeaDom makalipas ang halos pitong buwan after mag-propose ni Dom kay Bea sa Las Casas Filipinas de Azucar sa Quezon City, noong July 18, 2023.

Idinaan nila sa social media ang kanilang breakup official statement, “After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement. It was not an easy decision.

“We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”

Read more...