SB19 dumaan sa matinding pagsubok; fans abangers na sa ‘Pagtatag’ dokyu

SB19 dumaan sa matinding pagsubok; fans abangers na sa 'Pagtatag' dokyu

SB19

EXCITED na ang milyun-milyong fans ng P-pop supergroup na SB19 sa bago nilang pasabog pagkatapos ng matagumpay nilang “Pagtatag! World Tour”.

Ibinandera ng mga miyembro ng grupo na hindi pa nagtatapos sa nakaraang concert nila sa Araneta Coliseum ang kanilang bonggang pasorpresa sa kanilang supporters all over the universe!

Sa isang bahagi ng “Pagtatag” concert ay in-announce ng award-winning all-male group na magkakaroon din sila ng documentary film na ipalalabas sa August.

Baka Bet Mo: Daniel sa 10 years ng KathNiel: Roller coaster ng mga memory ang nabalikan namin ni Kathryn…

Dito mapapanood ang lahat ng mga pinagdaanan nilang hirap at sakripisyo sa isinagawa nilang world tour hanggang sa makamit ang inaasam na tagumpay.


Asahan ang mas intimate look sa naging experience ng SB19 during their “Pagtatag! Tour” na nagsimula noong June 2023 with “18 shows across 15 cities in Asia and North America.”

Nabigyan ng chance ang mga fans ng SB19 na mapanood ang sneak peek ng nasabing documentary na hindi napigilang maging emosyonal sa naging journey ng grupo habang lumilibot sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sabi ng leader ng grupo na si SB19 Pablo, “Mahirap na mahirap ‘yung journey toward big things. ‘Yung puso, ‘yung passion and everything, parang step by step talaga siya.”

“Akala ko, sabay-sabay kami, magkakasama. Hindi pala. But we’re very happy na na-overcome namin ‘yun,” ang pag-amin naman ni Stell matapos palakpakan ang teaser ng kanilang documentary.

Baka Bet Mo: Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Ito naman ang caption sa litrato ng SB19 sa Instagram kung saan kinumpirma nga ang pagpapabas ng nasabing documentary sa darating na August, “SB19 has been through quite the journey with their PAGTATAG! era.

“From planning their comeback to overcoming internal challenges and establishing their own company, it’s evident that they’ve truly embodied the spirit of resilience and determination.


“It’s inspiring to see how they’ve faced these obstacles head-on and come back even stronger than before. Their journey reflects the essence of PAGTATAG, showcasing their ability to persevere and thrive despite the challenges they’ve encountered,” sabi pa sa statement.

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Stell, Ken, Justin, at Josh na siyang nagpasikat sa mga kanyang “GENTO,” “Mapa,” “Bazinga,” at marami pang iba.

Samantala, opisyal nang kinumpirma ng Puregold ang kolaborasyon nito sa SB19, at talaga namang kinasabikan ito ng bawat A’Tin sa Pilipinas.

Tinatawag na “Princes of P-Pop,” nagpatikim na ang grupo ng kolaborasyon ilang linggo na ang nakalilipas, sa pamamagitan ng mga post at story sa Instagram, kung saan nakasakay sila sa mga shopping cart ng Puregold.

Kasama sa kanilang paglalakbay ang napakarami at istriktong pagsasanay, at ngayon, kilala na sila bilang mahusay na tagapagtanghal. Ipinapakita lamang nito na susi ang talento at determinasyon sa tagumpay.

Ngayon, napamahal na ang musika ng SB19 hindi lamang sa mga tagasubaybay nito sa Pilipinas, kundi sa iba pang mga bansa.

Subalit, nagkaroon ng mga hamon nitong nakaraang taon. Pagkatapos na ilabas ang kanilang pinakahuling album na pinamagatang Pagtatag at habang nasa una nilang world tour, nahirapan ang SB19 sa stress at lungkot ng pagiging malayo sa kani-kanilang mga tahanan. Lumipat din ang grupo ng management ang nagsimula ng pansarili—isang malaking hakbang sa aspekto ng pagiging malayang mga artista.

Hindi nagpapatinag sa mga hamon, umaasa ang SB19 na magamit ang mga karanasang ito sa paglikha ng pinaka-awtentikong sining.

Sa kanilang kolaborasyon kasama ang Puregold, hangad nilang maibahagi ang kanilang kuwentong panalo, kuwento ng pagiging malakas at matatag, nang maipaalala sa lahat ng Pilipino na mayroon din silang ganitong lakas at tatag.

Kasama sina Flow G, ang BINI, at ang SunKissed Lola, halimbawa ang SB19 ng paglago at pagtatagumpay ng Original Pinoy Music. Sa pangako ng Puregold na suportahan ang lokal na musika, paniguradong ipagpapatuloy nito ang ganitong mga musikal na proyekto.

Read more...