NAKAKA-PROUD naman ang Pinoy actors na sina Jimbo Bradwell at Martin Sarreal!
Sila kasi ang pinakabagong miyembro ng “The Ton,” ang tawag sa British high society, sa ikatlong season ng Netflix hit series na “Bridgerton.”
Sa pamamagitan ng Instagram, masayang ibinandera nina Jimbo at Martin na kabilang sila sa cast ng mga “noblemen” o maharlika sa historical fiction series.
Ang kanilang karakter ay bilang mga Regency-era viscounts: si Jimbo as Lord Basilio, habang si Martin ay gumanap bilang si Lord Barnell.
Kwento ni Jimbo, iba ang ibinigay na pangalan sa kanya ‘nung una ngunit kinapalan na raw niya ang kanyang mukha upang papalitan ito at para marepresenta niya ang pagka-Pilipino.
Baka Bet Mo: Bagong K-Drama na ‘Hierarchy’ babandera sa June 7
“When first offered the role under a different name of East Asian heritage, I wondered whether there was an opportunity to rechristen ‘my Lord’ with a name representative of my own heritage,” sey niya.
Patuloy niya, “Feeling emboldened to reach out to production, I was met with an enthusiastic response welcoming and encouraging my input.”
Inalala pa ng aktor na nag-suggest siya ng maraming apelyido ng mga Pinoy bago maging si Basilio.
Ayon sa kanya, ito ang naging pagkakataon niya upang maging isang “collaborator” sa serye.
“In this exchange, I was made to feel like a collaborator in my role, not a beggar at the door as these conversations can sometimes feel in this industry. Thank you for dignifying me in that way. As a result, catch some Fili representation in Lords Basilio AND Barnell (@martinsarreal_) this season,” caption pa niya.
Sa hiwalay na post, sinabi ni Jimbo na ang pagganap niya bilang si Lord Basilip ang nagpapatibay sa kanyang pagiging Pilipino.
“I’ve been blown away by the response from the [Filipino] community in the motherland and across the globe. It felt important to me to affirm my heritage in even this small role, so to see it resonate so strongly has been immensely, gratifyingly galvanizing,” sambit niya sa IG.
Para naman kay Martin, enjoy na enjoy niya ang pagiging si Lord Barnell, ayon sa kanyang IG post.
“Had loads of fun stepping into Lord Barnell’s shoes (and sticking on those sideburns) on a wonderful job jampacked with fantastic people,” lahad niya.
Ani pa niya, “Made some great, new pals on this and got to reconnect with some old ones.”
Tuwang-tuwa rin daw siyang masaksihan na may dalawang Pinoy na napasama sa “Bridgerton” universe.
“Also there are now officially TWO Pinoys (@jimbobradwell aka Lord Basilio) in the Bridgerton universe. What more can you truly ask for?” caption niya.
Ang “Bridgerton” Season 3 ay iikot sa love story nina Colin Bridgerton (Luke Newton) at Penelope Featherington (Nicola Coughlan) na nag-evolve mula sa kanilang matagal nang pagkakaibigan mula pagkabata.
Ang unang four episodes ay mapapanood na sa Netflix, habang ang remaining four ay ire-release sa June 13.