Coleen Garcia gigil mode sa bashers: ‘Lalaitin niyo kami, talaga?!’

Coleen Garcia gigil mode sa bashers: ‘Lalaitin niyo kami, talaga?!’

PHOTO: Instagram/@coleen

MULING nag-open up ang aktres na si Coleen Garcia kaugnay sa viral photo recently ng kanyang mister na si Billy Crawford.

Ito ay matapos siyang tanungin ulit sa interview ng Orsallion Entertainment.

Muling iginiit ni Coleen na “healthy” o malusog ang pangangatawan ng kanyang asawa kaya walang dapat ikabahala ang netizens.

“Kakagaling lang namin sa executive check up and everything, so he’s in good health,” sagot ni Coleen.

Ipinaliwanag din ng aktres na hindi pa sanay ang publiko sa “no makeup look” ni Billy dahil lagi itong nakikitang nakaayos na.

Baka Bet Mo: Coleen sa isyu ng selosan sa kanila ni Billy: ‘Dinadaan na lang namin sa joke, parang hirit-hirit lang pero minsan may laman’

Sey ng aktres, “Kaya ‘nung [It’s] Showtime pa lang, nagbibiruan naman na sila na hindi ba, wala nga siyang buhok, na may dark circles siya and everything. It’s part of who he is.”

Kasunod niyan, inamin ng celebrity mom na nalulungkot siya na ginawan pa ng isyu ang kanyang post dahil ang intensyon lang niya ay para ipakita kung gaano kasaya ang kanyang pamilya na nakauwi na ang kanyang mister sa Pilipinas.

“The reason why I share that post is because…it was a nice family moment na parang may harmless intention and pure intention na andoon si Amari kumakain, ‘yung lola niya, ‘yung lolo niya and si Billy. That’s why I thought to share it,” chika ni Coleen.

Patuloy ng aktres, “And you know, people always say na they wanna see more of these moments from us tapos mag-share kami [sa social media], tapos lalaitin niyo kami?! Talaga?!”

“I mean, if you want to see more of these moments from the people you follow, then this is not how you should react,” mensahe pa niya.

Dagdag pa ng TV host-actress, “You should respect people’s boundaries at the end of the day kasi we try to share what we can to everybody, pero kung ganito ang nangyayari, siyempre, mas iisipin namin na huwag nalang mag-share. Pero hindi, I will keep on sharing kasi kami ‘yun eh.”

Bandang huli, pinagsabihan at tinalakan pa niya ang bashers at haters, “Hindi kami ang dapat magbago, dapat ‘yung mga nanlalait, ‘yung nag-start ng rumors –kayo ang magbago!”

Last week lamang nang ibinandera ni Billy ang kanyang “fresh” look matapos maka-recover sa jetlag.

Ito ang tila naging sagot niya para sa maraming nag-alala at nangamba sa kanyang kalusugan.

Wika niya sa Instagram Story kamakailan lang, “Kalma, Madlang People.”

Kasunod niyan ay ang post na pinasasalamatan ang misis dahil dinipensahan siya mula sa bashers.

“Thank you for always standing by my side, supporting me through every challenge, and filling our home with love and warmth,” saad sa shinare niyang IG post.

Kung matatandaan, nauna nang nagsalita si Coleen kaugnay sa viral video ng kanyang asawa.

Ipinaliwanag ng aktres na hindi lang napapansin ng netizens ang totoong itsura ni Billy dahil sa hair and make up sa tuwing nakikita ito ng madla.

Tila inihayag din niya ang pagiging unrealistic ng marami pagdating sa mga artista na dapat ay laging perpekto.

Magugunitang ilang linggo ring naging malayo sa pamilya si Billy dahil sa pinagkakaabalahan niyang mga proyekto sa France.

Read more...