Brenda Mage biglang nag-backout sa isang event: Inyo na ‘yang show niyo!

Brenda Mage biglang nag-backout sa isang event: Inyo na 'yang show niyo!

PHOTO: Facebook/Brenda Mage

TILA naglabas ng sama ng loob sa social media ang komedyante na si Brenda Mage matapos biglang mag-backout sa isang event, kahit nakabandera na ang kanyang poster.

Ayon sa kanyang Facebook post, ito ay dahil sa sinasabi niyang “mayamang sponsor” umano na nagbitaw ng masakit na salita sa kanya.

“‘Yung naka-post na ‘yung mukha ko para sa event ng lugar nila…tapos sasabihan ka ng Mayamang Sponsor ata nila na ‘di daw ako bagay para sa event dahil ‘di angkop sa mga kabataan…edi back out ako hahaha,” chika ni Brenda.

Sey pa niya sa FB, “Nahiya ako bigla baka maimpluwensyahan ko ng ‘di maganda ang kabataan sa kanila mukhang good example pa naman ‘yung nag-post ng mukha ko [emoji].”

“Inyo na ‘yang show niyo [emoji] sayang, ang ganda ko pa naman sa poster hahaha,” biro pa niya sa post.

Baka Bet Mo: Brenda Mage umalma sa mga nagsasabing uhaw siya sa exposure: Tama po kayo sa lahat

Sa comment section, maraming fans ang sumang-ayon at nagtanggol kay Brenda. Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Ang dami pang darating sayo kaya huwag [ka] nang mag aksaya ng panahon sa mga taong nagmamalinis.” 

“Tama ‘wag ka na tumuloy, ‘di sila kawalan” 

“Yaan mo po sila madame…may panahon din po sila…si Lord na bahala madame Brenda.”

“Good [like emojis] ganyan ang dapat gawin…Pag ayaw sa atin, ipakita at iparamdam din natin sa kanila na ayaw din natin sa kanila.” 

“Ay grabe…hayaan mo nalang madam at least maganda ka sa post nila [yellow heart emoji]”

Magugunita noong April 6 nang ibinalita ng comedian-actor na hiwalay na sila ni Gio Sta. Ana makalipas ang halos dalawang taon.

Sey ni Brenda, “May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin na hanggang doon nalang tayo, hanggang dito nalang.”

Kasunod niyan ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa love team nila na BrenGio.

“I hope, you continue to support us kahit magkahiwalay na kami ng landas. I’m so grateful na kasama namin kayo sa journey namin together. I love you so much BrenGio supporters and BrenGio is signing off,” panawagan niya sa fans.

Read more...