INATAKE ng nerbiyos ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo isang araw bago ang pinakahihintay na bonggang announcement ng Star Cinema at GMA Pictures.
Kahapon, ibinandera na nga ang unang collaboration project ng dalawang film production para sa part 2 ng blockbuster movie nina Kathryn at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” na ipinalabas noong 2019.
Baka Bet Mo: Paolo inatake ng nerbiyos sa ‘Bubble Gang’ revamp; mas maraming pasabog sa bagong version
Ayon kay Kathryn, mixed emotions ang nararamdaman niya sa nangyaring official announcement para sa balik-tambalan nila ni Alden sa pelikulang “Hello, Love, Again.”
Pahayag ni Kath, “It’s finally happening. Ngayon lang nagsi-sink in sa amin actually.”
At sa pagbabalik nga sa big screen ng mga pinasikat nilang karakter sa naturang pelikula bilang Ethan at Joy dito sa “Hello, Love, Again” inamin ni Kathryn na halu-halo ang napi-feel niyang emosyon.
“Kagabi pa ako kinakabahan. I don’t know why, maybe its more of excitement and halo-halong emosyon.
“But then seeing everybody here ramdam na ramdam namin yung support and excitement ninyo. Parang ‘yun ‘yung nag-fuel sa amin.
“It’s not gonna be easy but here we are. This is so exciting. I thought we already said our goodbyes, but here we are saying our hellos, ‘di ba?” pahayag ng ex dyowa ni Daniel Padilla.
Aniya pa, “It feels very familiar but, at the same time, it’s different because it’s been five years and five years is such a long time.
“I’ve changed and, I think lahat kami. Lahat tayo nagbago. I’m just curious kung ano ang maibibigay namin this time around,” sey pa ng dalaga.
Naniniwala rin si Kath na mas magiging exciting pa ang part 2 ng “HLG” na “HLA” dahil nga sa unang collaboration ng GMA Pictures at Star Cinema.
“Kapamilya, Kapuso. This is a lot of firsts. Excited lang siguro ako so thank you so much for another opportunity to tell another story and to continue sharing Ethan and Joy’s story but this time in Canada.”
“Sana po suportahan ninyong lahat,” ang mensahe pa ng premyadong aktres sa madlang pipol.
Mapapanood ang “Hello, Love, Again” sa November 13 mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.