Darren 10 years na sa showbiz: Hindi ko na pine-pressure ang sarili ko

Darren 10 years na sa showbiz: Hindi ko na pine-pressure ang sarili ko

Darren Espanto

SA 10 years niya sa entertainment industry, hindi pa rin makapaniwala si Darren Espanto sa lahat ng mga na-achieve niya bilang artista at singer.

Nakachikahan namin at ng ilan pang miyembro ng showbiz press ang Kapamilya actor-singer at dancer sa  mediacon para sa 10th anniversary concert niyang “D10” na magaganap sa June 1, 2024 sa Araneta Coliseum.

“I feel like it’s been such a long time since The Voice Kids but at the same time, it feels like it’s been such a quick journey as well.

Baka Bet Mo: Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

“But when I look back on everything I’ve done, parang grabe, ang dami na nangyari sa buhay ko, sa career ko and I’m just very grateful for everything that has happened in the past 10 years,” ang pahayag ng binata nang balikan ang naging journey niya sa showbiz.

Tuwang-tuwa at feeling blessed din si Darren nang mapanood ang video greeting ng mga kaibigan niya sa entertainment industry kabilang na riyan ang co-stars niya sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” na sina Anthony Jennings at Maris Racal.

Bumati rin sa kanya sina Erik Santos, Ogie Alcasid at Vice Ganda.

Sey pa ng binata, “Ten years ago, I never would have imagined that I would be on three programs at the same time, from Sunday to Saturday, ASAP, Showtime, and Can’t Buy Me Love.


“It’s really something that I never would have imagined and I’m very grateful for that,” dagdag ni Darren.

Baka Bet Mo: Darren umaming 1 year naging dyowa si Kyline, bakit naghiwalay?

Paano nga ba niya ilalarawan ang Darren Espanto ngayon kumpara noong nagsisimula pa lamang siyang gumawa ng sariling pangalan sa showbiz?

“Si Darren ngayon ay mas mature siyempre and hindi na ako yung pine-pressure yung sarili to keep up with the standards of what people want from me.

“Also just learning to live life and appreciate whatever is happening at the moment,” sey pa niya.

Available na ang tickets para sa “D10” concert sa Ticketnet.

Read more...