MUNTIK nang sumuko ang Kapamilya young singer-actress na si AC Bonifacio sa kanyang career at binalak na talagang layasan ang mundo ng showbiz.
Yan ang revelation ng dalaga nang mapag-usapan ang naging journey niya mula nang pumasok siya sa entertainment industry.
Unang nakilala ng madlang pipol si AC noong 2015 nang lumaban siya sa reality dance competition na “Dance Kids” bilang isa sa dynamic duo na Lucky Aces.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio nape-pressure bilang unang artist ng Star Magic Records
Nang matapos ang nasabing kumpetisyon, unti-unting sumikat si AC dahil hindi lang siya sa pagsasayaw napadpad kundi nasubukan din niya ang kumanta at umarte.
Kasunod nito, napasabak din siya sa mundo ng teatro. Naging bahagi siya ng comedy musical play na “The 25th Annual Putnam Country Spelling Bee” kung saan gumanap siya bilang si “Marcy Park”.
“First-time ko pong mag-theater. One-take, singing, dancing, acting, and we’re sitting there for 2 hours.
“Hindi po siya parang ‘pag nagte-taping po tayo, dito po diri-diretso po talaga, tapos ‘yun you really becoming your character, and you have to understand the back story where she comes from.
It’s such a journey for me and I love, love doing it and hopefully from here on, I continue to do it also,” kuwento ni AC sa panayam ng “Tao Po.”
Pero inamin ni AC na dumating din daw siya sa puntong gusto na niyang sumuko at iwan ang showbiz.
“When I was 12 or 13, na iyak po ako nang iyak, and I really was at that point na parang ayoko na, ayoko na talaga dito like this is gonna kill me, like I really don’t wanna be here,” aniya.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio payag bang mag-audition sa Korea para maging K-Pop idol?
Ang nanay daw niya ang naging daan para maintindihan at ma-realize niya na ang showbiz talaga ang buhay niya at kailangang huwag siyang sumuko para sa mga pangarap niya.
“She was like, ‘Why are you here? Why did you get here in the first place? What do you love to do? Where is your heart? Are you gonna give that up?’
“It brought me back and then I realized this is the time where don’t give up is need talaga within me,” sey ni AC.
Nagpasalamat din ni AC sa isa sa mga kaibigan niya sa showbiz na si Darren Espanto na tulad niya’y nagmula rin sa Canada.
“We really just there for each other and I’m so thankful for the way he is because he teaches me and we learned together.
“Walang competitiveness between us even if people try to put it on between us, we were also humble with each other, making each other grounded,” dagdag pa niya.
Excited si AC ngayon na ipagpatuloy ang dream niya na maka-penetrate sa Hollywood. Sa katunayan, nakasama na siya sa ilang Hollywood series kung saan ni-represent niya ang talentong Pinoy.
“The reason why I want to go to Hollywood is I want to bring Filipinos into the Hollywood scene, which they need ‘cause they don’t realize how talented we are po, we do so much,” lahad pa ni AC.