Nash Aguas, Mika dela Cruz ikinasal na

Nash Aguas, Mika dela Cruz ikinasal na

MULA sa pagiging childhood sweethearts ay ikinasal na ang celebroty couple na sina Nash Aguas at Mika dela Cruz.

Ngayong araw, May 18, ibinahagi ni Mika ang larawan niya habang naglalakad papuntang altar.

“Walking towards my God-sent, my Love., and my forever,” saad ni Mika sa kanyang caption.

Baka Bet Mo: Nanay ni Mika dela Cruz todo-tanggi na nabuntis ni Nash Aguas ang anak

Gamit rin nito ang hashtag na “#NASHakanyanasiMIKA”.

Marami naman sa mga netizens ang nabigla sa pasabog nina Nash at Mika pero sa kabila nito ay marami pa rin ang nagpaabot ng kabilang congratulatory messages para sa bagong kasal.

Maging ang kanilang mga kaibigan mula sa showbiz world ay nag-comment rin sa IG post ni Mika.

Isa na rito ang kasamahan ni Nash noon sa “Goin’ Bulilit” at naka-love team rin na si Sharlene San Pedro.

“Congrats, guys!” saad ni Sharlene.

Comment naman ni Jasmine Curtis, “Omg congrats Mika!!!! Congrats to the both of you [emojis].”

Naganap ang kasal nina Nash at Mika sa Adriano’s Events Place and Prayer Garden sa Tagaytay.

Matatandaang naging magkarelasyon ang dalawa noong October 2018.

Read more...