Panic attack (3) | Bandera

Panic attack (3)

Dr. Hildegardes Dineros - November 06, 2013 - 03:00 AM

GAYA nang sinabi noong Biyernes, bibigyan natin ng paliwanag pa ang tungkol sa panic attack at kung paano nga ba ito malulunasan.

Ang nerbyos ay nag-uumpisa sa pagka-bigla, ang pagdanas ng hindi inaasahan o kaya ng pagkakaroon ng karanasan na hindi maipaliwanag.

Paano maiiwasan ang “vicious cycle” ng nerbyos? Kaya bang mawala ang nerbyos?

Minsan ay may nakapanayam sa Bohol nang bumisita kami roon para magsagawa ng medical mission sa mga biktima ng lindol.

Napunta ang pakikipag-usap ko kay Mang Paulino tungkol sa ugnayan ng isang tao sa kanyang tagapagligtas, ang ating Poong Maykapal.

Napagtuunan ng pansin and “dependence” ng tao sa Diyos at dito nagkaisa kami ng pananaw na sa pamamagitan ng aktibong pananampalataya, mawawala nang lubusan ang nerbyos at panic attack.

Ang takot ay isinusulong ng kalaban, nguni’t mayroon sagot dito; ang pagtawag ng saklolo sa Lumikha sa atin.

Dito may pagkakataon na ipakita o palakasin ang Pananampalataya.

Importante na isaulo ang mga natutunang kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa iyo tuwing may panic attack para mawala ng lubusan ng takot.

Mare-relax ka kapag ginawa mong regular at malalim ang paghinga. Laging maging mapagmasid sa sariling pag-iisip.

Ugaliin na makakuha ng kapatawaran tungkol sa mga naunang masamang pangyayari at magbigay ng tawad sa mga karanasan na ito. Ang Panginoong Diyos lamang ang tanging pinagmumulan ng kapatawaran.

Nagpapasalamat ako na nakasalubong ko na si Mang Paulino dahil napag-usapan namin ang forgiveness at active faityh.

Ngayon, talakayin naman natin ang inyong mga tanong.

Good evening doc. Ako po si Tess, 28. Last week po ay sumakit ang ulo ng asawa ko, tapos pati yung right ear niya. Pagkalipas po ng 4 na oras ay may lumabas na tubig hangang tatlong araw. Kahit anong gawin kong pilit na magpakita sa doc ay ayaw nya.

Natatakot na ako kung bakit ganon. — Tess, ….6026

Hello, Tess. Pilitin mo ang iyong mister na magpatingin sa doktor dahil kailangan niya ito para malunasan ang kanyang sakit.
Meron siyang ear infection. Ang “serous otitis media” ay kadalasan nauuwi din sa “bacterial infection” na lumalabas na mabaho na luga sa tainga. Kailangan ng antibiotic for 10 days, decongestant, at drainage kaya magpatingin sa ENT Specialist.

Dr.Heal, ako po si maria, 40 years old ng Cotabato City. Bkit po ba my mabahong discharge ako, one week tapos ng menstruation ko. Parang malansa at masakit sa ibaba ng tiyan ko? Salamat po. – …9475

Malamang merong infection sa iyong reproductive organs gaya ng vagina(pwerta) at uterus (matris). Madalas na sanhi nito ay fungi at minsan din ay bacteria. Kailangan gamutin yan.

Magpatingin sa isang Gynecologist. Ang personal hygiene ay importante. May douche solution na mildly acidic na ipinang-huhugas. May vaginal suppository gaya ng FLAGYSTATIN for 2 weeks.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan sa Biyernes ang kadugtong ng artikulong ito na tumatalakay sa panic attack na posibleng meron ka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending