William: ‘Ako ang nakaisip sa title ng Bagets movie, nag-approve sa mga bida’

William: 'Ako ang nakaisip sa title ng Bagets movie, nag-approve sa mga bida'

PHOTO: Screengrab from YouTube/Snooky Serna

SI William Martinez pala ang may pasimuno ng titulong “Bagets,” ang pelikulang nagpasikat kay Aga Muhlach noong 1984.

Ito ang naging rebelasyon mismo ng veteran actor sa kanyang interview with Snooky Serna sa recent YouTube vlog.

Kwento ni William, kasama niya ang namayapang manager na si Douglas Quijano nang mag-pitch sila ng pelikula sa Viva Films.

“Nag-brainstorming kami, ginawa namin ang ‘Bagets,’ ako ang gumawa ng title pero hindi ako pinansin,” sey niya.

Chika pa niya, “Ang pinakamalaking kicker, I went to Eastwood (City in Libis). Lahat ng kilala kong artista nandoon ang pangalan (walk of fame), ako hindi (wala), Sabi nga ng kapatid ko, lahat ng mga batang artista kung wala ako, walang ‘Bagets’ nandoon, bakit ako wala? Ako (‘yung) who made it? Give the title!”

Baka Bet Mo: Richard Gomez tumangging magbida sa ‘Scorpio Nights’: Hindi ko kaya kasi maghuhubo ako…

“When we made Bagets, lahat ng artista (kasama) ako ang pumili, ako ang nag-approve para maging artista sila kung hindi ko in-approve hindi sila artista ngayon!” ani pa ni William.

Nagulat si Kooky sa kwento ng kasabayan niyang sikat noong dekada ’80.

Wika ng batikang aktres, “Naiyak ako ha, nainis lang ako as your friend na nakasama mo sa industry na na-build up na nandoon (walk of fame) tapos si William wala, unfair ‘yun.”

Singit naman ni William, “Actually, I’ve been telling people about it (Bagets) (but) they don’t give a shit about it (sabay pakita ng larawan ng cast ng Bagets). Kumpleto na ang casting walang title.

“Sabi ni Douglas (Quijano) nina Jake (Tordesillas – writer) at Maryo (de los Reyes 0 direktor) na Student Body pa ‘yun, sabi (ko) ‘no-no naghahanap kami ng title for Vic del Rosario sa Viva (Films).”

Kwento pa niya, “Kasi ibinenta namin sa Viva ‘yung ‘Bagets’ na wala pang title.  I went home nandoon ang nanay ko, ang nanay ko alahera ‘di ba?  She sells jewelries.  Sa table niya ang dami niyang alahas, sabi ko, ‘Mang ano ‘to, ‘wag mo hawakan ‘yan mahal ‘yang diamond na ‘yan Baguette.

“(Isip ko) Baguette mahal?  Naisip ko, teka may movie ako na mga teenagers na mahal ng magulang bagets, mga bata. Sabi ko, ‘Dougs may title na ako Baguette.”

“Tanong daw ni Douglas, ‘anong bagets?’  Kasi ang mamang nagbebenta ng alahas nadinig ko ang baguette mahal na diamond, so diamond natin mahal natin, so ang mga bata (ay) diamond ng buhay natin, sila ang baguettes sa buhay natin, kaya the title came from me,” aniya pa.

Hanggang sa naging “Bagets” na ang titulo ng pelikulang produced ng Viva films at kumite ito ng husto dahil ang guguwapo ng mga bida tulad nina Aga Muhlach, JC Bonnin, Raymond Lauchengco, Herbert Bautista at isinama si William.

Pero ang “Bagets” movie ay unang inilapit daw kay Mother Lily Monteverde ng Regal Films, kaya “anong nangyari?” ang tanong ni Snooky.

“Ang gusto ni Douglas before that, ‘Kulit (tawag kay William) gawa tayo ng pelikula na bago punta tayo sa Regal.’  Punta kami kay mother Lily.  ‘Mother may project kami bago, mga bagong bata.

“(Sabi ni mother Lily), lagay mo si PJ (Abellana), lagay mo si Albert (Martinez) lagay mo si Edgar Mande at tsaka si Lito Pimentel. Sabi ni Douglas ‘hindi puwede mother kaulangan bago (cast) lang.’ Sagot daw ni mother Lily, ‘Ha? sige alis kayo!,’ umalis na kami lipat sa Viva Films,” sambit ni William.

“So lipat kami Viva at sabi ni Douglas kay Vic del Rosario meron kaming project na mga batang bago na pasisikating arista, meron ba kayo?” tanong daw ni Douglas kay boss Vic.

“Sakto, merong JC Bonnin bago, Raymond Lauchengco kumakanta, Herbert Bautista nakakatawa, sabi ko si Herbert kilala ko ‘yan kaya aprubado na sa akin si Herbert tapos kulang pa ng isa, si Aga Muhlach.

“Kilala ko si Aga kasi ‘yung tatay niya, ang asawa ay kapatid ni Susan Bautista naging girlfriend ko kaya I met Aga in New York, Cubao (malapit din ang bahay nina William kina Aga),” pag-alala ng batikang aktor.

Patuloy na kwento niya, “So, Aga approved and kumpleto na, sabi ko ‘Dougs kumpleto na’, tapos sabi sumama ako, sabi ko hindi ako sasama, sabi ‘kailangan sumama ka kasi lahat ‘yan bago, so, sino ang manonood nyan? Walang sikat diyan ikaw lang.'”

“Kung kasama ako dapat may loveteam, tapos may bago, si Yayo Aguila, sabi ko Dougs isama natin sa roster (new artists) para sumikat naman itong bata, so kinuha si Yayo. Ang ending nang malaman nu’ng apat na bagets, lahat sila type si Yayo sabi ko, teka muna ang love team n’yo iba, so (hinaharang ko), kakaganu’n ko na-develop ako. ‘Yun ang ending no’n kaya naging kami,” pagtatapat ni William.

Ikinasal sina William at Yayo taong 1985 at nagkahiwalay ng taong 2010 pagkalipas ng 15 years na pagsasama at nabiyayaan sila ng apat na anak.

Marami pang isiniwalat si William sa part two ng panayam niya kay Snooky. Kaya abangan mga ka-BANDERA.

Read more...