Paolo sa gitna ng mga pamba-bash: ‘Hangga’t may naniniwala, tuloy lang!’

Paolo sa gitna ng mga pamba-bash: ‘Hangga’t may naniniwala, tuloy lang!’

PHOTO: Instagram/@sparklegmaartist center

NASA gitna nanaman ng kontrobersiya si Paolo Contis matapos kumalat ang chikang hiwalay na sila ng girlfriend na si Yen Santos, pero tinatablan pa ba siya ng bashing?

Ito ang inusisa ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” kasama si Paolo kamakailan lang.

Ang tanong sa kanya ni Tito Boy, “Ano ang nakakapikon sayo?”

Pag-amin ni Paolo, ito’y kapag nadadamay na ang kanyang pamilya.

“Anything they say about my family –yes, medyo [nakakaapekto] sa akin ‘yun,” sagot niya.

Baka Bet Mo: Paolo ayaw nang ilantad ang private life: Hindi na part ng trabaho ko

Sinabi rin ng TV host-actor na sinisikap niyang manatiling “unbothered” kung siya lang mismo ang tinitira ng bashers at haters.

But anything about me, ang plastik ko kung sabihin kung walang-wala, pero kasi I make sure na sa 100 na bashing at may isang positive diyan, I concentrate on that positive,” paliwanag ni Paolo.

Sey pa niya, “Naniniwala ako na kapag may isang naniniwala sayo, okay ka pa.”

“Lahat ng tao, they are entitled to what they wanna say. Sometimes sobra, pero opinyon nila ‘yun eh. So sa akin, hangga’t may naniniwala sayo, tuloy ka lang,” chika pa niya.

Nang tanungin naman siya kung ano ang hindi niya maintindihan pagdating sa pag-ibig, ang sabi niya: “Ang dami!”

Saad ng aktor, “I mean, just when you thought na things are getting better na parang mas marami ka nang alam ngayon, tapos biglang –I know, I still have to learn about that.”

Magugunitang nag-ugat ang bali-balitang break na sina Paolo at Yen matapos i-unfollow ng aktres ang lahat ng nasa Instagram list niya.

Bukod pa riyan ay agaw-pansin din ang pag-delete ni Yen ng lahat ng pictures together nila ng boyfriend.

Nang mahingan ng reaksyon si Paolo patungkol sa isyu, ang tanging isinagot niya lang ay “no comment.”

At dito nga sa kanyang interview with Tito Boy, ipinaliwanag ng aktor na nais niyang maging pribado ang kanyang personal life upang hindi na pakialamanan ng publiko.

“I think it’s time na ‘yung mga pribadong bagay, mga walang kinalaman sa pag-arte mo o sa craft mo bilang artista, itira mo na ‘yun para sa sarili mo,” pahayag niya.

Sambit pa niya, “I mean, I’m an actor, ang pinaka-responsibilidad ko is to my co-actors, to GMA, to my bosses, na maging matino akong katrabaho, na maging matino ang trabaho ko. Anything na labas du’n, like my family, or anything na hindi na kasama sa pag-arte ko, I think that’s private.”

Read more...