SINO kaya ang tinutukoy ng content creator at talent manager na si Ogie Diaz na mga boogaling o bugaw?
Ito ang post ni Ogie sa kanyang Facebook stories kagabi na idinaan niya sa blind item ang mga batang nakaka-date ng politiko.
Pinuna kasi ni Ogie ang isang app na mala-pornhub at sinabing: “’Di ko kinakaya. Para nang Pornhub ‘yung app. Tapos, ang ending ‘yung mga bata, mga pulitiko na ang idine-date kasi nga may ‘premium’ na nga daw sila.”
Sinigurado rin nito na tatalakayin niya ang isyung ito sa kanyang vlog na “Showbiz Update” na naka-upload sa YouTube channel.
Aniya, “Isang araw, tatalakayin ko nga ito. Buhay na naman ang mga boogaling.”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz inutangan din ng mga artista: Ang ending, ako pa ang masama!
PHOTO: Facebook Story/Ogie Diaz
May hula kami sa blind item na ito ni Ogie, pero minabuti naming ‘wag magbigay ng clue dahil baka mali kami.
Anyway, maraming kasamahan sa showbiz ang mag-aabang kung kailan ito tatalakayin ni Ogie with Mama Loi Valderamma at either Tita Jegs, Ate Mrena o Dyosa Pockoh ang makakasama nila sa vlog nilang “Showbiz Update.”