MAY ilang regrets sa buhay ang King of Talk na si Boy Abunda, isa na riyan ang hindi nila pag-uusap ng kanyang namayapang ina tungkol sa kanyang sexuality.
Pumanaw ang pinakamamahal na nanay ni Tito Boy na si Licerna Abunda o Nanay Lesing noong December 1, 2019 at never daw nilang napag-usapan ang kanyang pagiging proud member ng LGBTQIA+ community.
Nang makachikahan namin ang premyadong TV host sa mediacon ng bago niyang docu-series sa GMA 7 na “My Mother, My Story”, natanong nga siya kung nagkaroon siya ng chance na buksan ang kanyang puso sa ina hinggil sa pagiging gay.
“Hindi namin napapag-usapan ng nanay ko yung journey ko as a gay man. But I knew she knew it. She loved Bong (Quintana, ang kanyang long-time partner) like her own son.
Baka Bet Mo: Ate Gay ibinuking kung magkano ang ibinigay na tulong nina Vice, Paolo at Ogie nang maospital siya
“Meron lang siya na sinabi sa akin na alagaan si Bong. Light lang ang pagkasabi niya. Mag-alagaan kayo.
“She had more conversations with Bong. Nagtatawanan sila. May tiwala siya kay Bong kapag umuuwi kami ng Samar because Bong was a flight steward. Minsan nga nagseselos nga ako, eh,” pahayag ni Tito Boy.
“I would love to talk to Nanay about being gay. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi kami pwedeng ikasal. Gusto ko rin ipaliwanag sa kanya kung bakit ganito na lang ang nangyari.
“Ang dami kong kaalaman sa estado ng buhay ko ngayon na sana napag usapan namin,” dugtong ng TV host.
Aniya pa, “I would share everything I knew. Naalala ko noon si Nanay in our disagreements like political, kapag alam ko na galit na siya, hindi na ako sumasagot. Kapag may emotions na ang nanay, I shut up.
Baka Bet Mo: Ate Gay nag-sorry matapos ang viral statement ni Vice ukol sa pagtulong
“Nanay would have asked very difficult questions, like how I would reconcile my being gay with the Catholic Church.
“Paano nagsimula na pareho kaming lalaki. She would have asked the difficult ones. I would be glad to explain it to Nanay,” chika pa Tito Boy.