Rosmar Tan sinugod ng mga humihingi ng tulong: Huwag po kayong mananakot

Rosmar Tan sinugod ng mga humihingi ng tulong: Huwag po kayong mananakot

Diwata at Rosmar Tan

DAHIL sa bahay, sasakyan at negosyong ibinigay ng kilalang influencer na si Rosmar Tan kay Diwata ay maraming netizens na ang nanawagan na sana sila rin ay mabigyan.

Dinudumog ngayon ang R Mansion resort ni Rosmar kaya nanawagan siya sa kanyang Facebook account sa mga nagpupunta roon.

“Announcement! Starting tomorrow 6am to 10pm po open ang R Mansion TagaytayResort kasi nirereklamo na po tayo ng kapitbahay dahil sa mga motor na maiingay agahan ang punta kita kits!” aniya.

Baka Bet Mo: Toni Fowler hindi makikisawsaw sa isyu nina Rosmar at Zeinab: Walang magandang maidudulot yan

Pero tila nag-iba na ang panawagan ni Rosmar pagkatapis ng kanyang announcement.

“Pakiusap lang sa mga humihingi ng tulong ‘wag po kayo basta basta susugod sa mga resto ko at mananakot na pasisikatin dahil di kayo naaasikaso ng mga staff ko.

“Nagnenegosyo po tayo hindi nagchacharity busy po sila (crying face and broken heart emojis).

“At di ko po kayo lahat obligation. Oo tumutulong kaming mag asawa pero di namin kaya tulungan lahat.


“Kaya ako lalong tinatamad na tulungan ung mga bigla biglang pupunta at mangcocorner. Respect nyo rin po sana privacy naming mag asawa,” sabi pa ni Rosmar.

Pero mukhang dedma ang mga nanghihingi ng tulong sa pakiusap ng negosyante kaya nagsabi na ito na hindi siya PCSO na takbuhan ng mga nangangailangan.

Aniya, “NAGNENEGOSYO PO AKO DI PO AKO NAGTAYO NG RESTO PARA GAWING PCSO. KAUNTING RESPETO NAMAN PO. TUMUTULONG TAYO PERO WAG ABUSADO DI RIN NAMAN AKO POLITIKO. NEGOSYANTE PO TAYO.”

Baka Bet Mo: Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

Dagdag pa, “Simula ngayon sa lahat ng pupunta sa business namin o mangcocorner sakin para humingi ng tulong pasensya na pero di namin lalo ieentertain para di masanay. nakakadala.”

Halos iisa naman ang komentong nabasa namin sa thread na magbanat daw ng buto at huwag umasa ng tulong lalo na ‘yung kaya pang magtrabaho.

At dahil sa rami ng taong dumayo sa resort ni Rosmar ay marami ang nakaiwan ng cellphones na kaagad naman niyang ipinanawagan na kunin  ito sa kanyang mga staff.

Going back kay Diwata, ang may-ari ng sikat na sikat na paresan sa Pilipinas, kabilang na rin siya sa seyeng “FPJ’s Batang Quiapo” na sa isang episode na napanood namin ay nanakawan kaya naubos ang puhunan at nabugbog pa kaya tinulungan siya nina Coco Martin at Ivana Alawi bilang sina Tanggol at Bubbles.

Read more...