Baldemor uukitin ang bagong tropeo para sa The EDDYS 2024 ng SPEEd

Baldemor uukitin ang bagong tropeo para sa The EDDYS 2024 ng SPEEd

Leandro Baldemor

KUMPIRMADO! Ang seasoned actor at kilalang sculptor na si Leandro Baldemor ang gagawa ng tropeo para sa 7th edition ng The EDDYS (The Entertainment Editors Choice).

Bukod sa pagiging versatile actor sa mundo ng showbiz, isa ring magaling na iskultur o wood carver si Leandro na mula rin sa kilalang pamilya ng mga visual artist sa Paete, Laguna.

Ang kanyang lolo na si Venerando Baldemor ay nakilala sa paggawa ng mga bakya na gawa sa kahoy na ine-export noon sa Japan at iba pang bansa habang ang tatay niyang si Wallie Baldemor ay sumikat ang handicrafts business sa Paete.

Baka Bet Mo: Leandro nag-sorry sa transwoman: Hindi ko naibigay yung hiniling niya

At tulad ni Leandro, isang sikat na painter-sculptor din ang kanyang pinsan na si Manuel Baldemor na kilala ring book illustrator.

Karamihan sa mga obra ni Leandro bilang isang manlililok ay mga imahen ng Panginoong Hesukristo, ni Virgin Mary at iba’t ibang mga santo na talagang pang-worldclass ang kalidad at pang-export.
Marami na ring nagawang imahe ng santo si Leandro sa iba’t ibang simbahan sa buong Pilipinas.

Kaya naman nagpapasalamat ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pagpayag ni Leandro na siya ang gumawa ng bagong disenyo ng ipamimigay na tropeo sa gaganaping The EDDYS ngayong taon.


Ayon sa aktor, pinag-isipan niyang mabuti kung paano mas pagagandahin at mas patitibayin ang trophy ng The EDDYS, lalo na ang magiging design nito para maging akma sa mission and vision ng SPEEd bilang isang award-giving body sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Leandro Baldemor: ‘Ayaw kong magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil…’

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ng aktor at iskultor ang tropeo para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS at nakatakda ang unveiling nito bago ang pinakaaabangang awards night sa darating na Hulyo, 2024.

Nauna rito, inihayag din ng SPEEd bilang pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS.

Dito ay bibigyang-pugay ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

“With our new award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ we want to honor the stars of films that brought audiences back to theaters,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

“We at SPEEd believe this recognition will encourage film production entities to create movies that are both commercially viable and impactful.

“By acknowledging the contributions of those who helped revive cinema attendance, SPEEd aims to inspire the industry to continue producing films that captivate and engage viewers,” dagdag pa ni Asis.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

Read more...