Leandro nag-sorry sa transwoman: Hindi ko naibigay yung hiniling niya

Leandro nag-sorry sa transwoman: Hindi ko naibigay yung hiniling niya

Leandro Baldemor

MARAMING bading na lumandi sa dating sexy actor na si Leandro Baldemor kasabay ng mga indecent proposals mula sa mga nagpapantasya sa kanya.

Ito yung kasagsagan ng kasikatan ng seasoned actor sa paggawa ng mga sex-drama movies sa Seiko Films ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Kuwento ni Leandro nang makachikahan namin last week, May 3, sa mismong bahay niya sa Paete, Laguna, marami talaga siyang hindi malilimutang karanasan noong kabataan niya.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Leandro Baldemor: ‘Ayaw kong magpakaipokrito, kailangan ko ng showbiz dahil…’

Aminado siya na medyo naligaw din siya ng landas, “E, siyempre minsan, nagkakaroon ka ng kaunting kasalanan, na maglandi-landi ka nang konti.


“Hindi ko naman nilalahat ang pagkalandi, ‘no. Siyempre, may asawa na ako, naikukuwento na lang natin kung ano ang nakaraan na,” sey ng aktor.

Kasunod nito, natanong nga siya kung may mga bading din ba na lumandi sa kanya, “Ang landi kasi ng bading, okay lang yan gawa ng kinakaibigan ko naman sila.

“Kaya yung mga bakla na ano, nawawala na yung kanilang elya sa akin gawa ng kaibigan ko na,” aniya.

Marami rin ba siyang natanggap na mga indecent proposals mula sa mga beki? “Marami. Maraming mga bading na… meron pa akong hindi malilimutan na gusto kong mag-sorry sa kanya.

Baka Bet Mo: Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…

“Kasi sa dami ng ibinigay niya sa akin, nakapagpasalamat ako in a way, pero yung mag-sorry ba. Kasi napakaraming binigay sa akin! Relos, 200 grams na kuwintas, bracelet, suit,” rebelasyon ng aktor.


Parang nag-take advantage daw siya sa tinutukoy na personalidad na isang transwoman, “Parang ganu’n. Actually, hindi ko naman siya pinilit. Siya mismo ang nag-offer.

“Sabi niya sa akin, ‘Kung anuman, walang kapalit ito. Basta pinuntahan kita dito.’ Ganun kabait yung tao kaya gusto kong mag-sorry.

“Kumbaga, yung minsan na humingi siya sa akin, hindi ko naibigay. Kasi, hindi ako yung pagkatao na yun. So mangyari, siyempre pag nagkita kami, magso-sorry ako,” sabi ni Leandro.

Nakilala raw niya ang Pinay transwoman sa Japan na may-ari ng club doon. Ito yung panahong nagho-hosto pa siya sa Japan. Pero hindi na raw sila nagkita uli mula noon.

“Kasi nu’ng mga panahong yun… napakabait ng taong yun… Kaya sabi ko, nagpapasalamat ako sa kanya. Kasi napakabait niyang tao, grabe,” dagdag pa niya.

Tanong namin sa kanya kung nag-reach out ba siya sa naturang transgender woman, “Hindi ko siya mahanap, e! Sabi ko sa mga ami-amiga niya, ‘Nasaan na si ano?’ Kasi nagpunta kami sa Shinjuku nu’ng nakaraan, kami ng asawa ko.

“Tinanong ko si Mama (dati niyang manager), ‘Nasaan si Mommy?’ ‘Hindi na active.’ Hindi na raw active pero okay naman ang buhay niya,” sey pa ng aktor.

Ilan sa mga sexy movies na pinagbidahan noon ni Leandro sa Seiko Films ay ang “Patikim ng Pinya” (1996), “Sariwa” (1996), “Tukso, Layuan Mo Ako Part 2” (1996), at “Hawakan Mo Ako” (1997).

Dalawang pelikula na ang natapos ni Leandro na hindi pa ipinalalabas sa mga sinehan, ang “AbeNida” at “Paquil”. Huli naman siyang napanood sa telebisyon sa Kapuso series na “Lolong” na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Read more...