Nicco Locco tinawag na ‘red flag’ matapos mag-guest sa ‘Showtime’

Nicco Locco tinawag na 'red flag' matapos mag-guest sa 'Showtime'

BINANSAGAN bilang “walking red flag” sa social media ang aktor at host na si Nicco Locco matapos sumalang sa “EXpecially For You” ng noontime program na “It’s Showtime”.

Kasama niyang sumalang sa segment si Christine Bermas na naging karelasyon niya sa loob ng dalawang taon.

Naging emosyonal nga si Christine sa umpisa pa lng ng segment lalo na noong inaalala na nila ang nangyari sa kanilang relasyon at ang dahilan bakit it nagtapos.

Pag-amin nina Christine at Nicco, nitong February 2024 lang nang mag-break silang dalawa at ito rin ang kauna-unahan niyang dyowa.

Baka Bet Mo: Vivamax Bombshell Christine Bermas nahirapan sa kakaungol sa ‘Rita’

“Nag-suffer ako ng 2 years eh. Almost 2 months. February, like recently. That’s why I cried,” pagbabahagi ni Christine nang usisain siya ni Vice sa dahilan ng kanyang pag-iyak.

Pagpapatuloy niya, “Kaya nga eh, okay na ako no’ng ano eh tapos bigla ko na lang nakita ulit siya, tapos na baliw na naman ako.”

Kuwento ni Christine, cheating ang naging sanhi kung bakit nagtapos ang relasyon nila ni Nicco.

“May closure naman pero like she said, this is the first time we see each other after two months so after ng feelings, love bumalik,” saad ni Nico.

Sabi pa ng binata, “Mahal ko pa rin. Hindi mawawala ‘yon agad when you loved somebody and you spend two years of your life with them hindi mawawala agad.

So after seeing her, may love pa rin sa puso ko so, pero gusto ko ang best para sa kaniya and for her to be happy so importante na happy siya kahit wala ako sa life niya.”

Matapos ang naging episode nila sa “It’s Showtime” ay agad na pinag-usapan sa X (dating Twitter) ang love story nina Nicco at Christine.

Marami rin ang tumawag sa binata bilang isang malaking “walking red flag”.

Kasabay kasi ng isyu ay muling binalikan ng ilan ang paghihiwalay rin nila noon ni Arianne Bautista na nagtapos rin dahil sa cheating.

“He cheated twice on her past girlfriends and they’re also a celebrity lol and then he did it again? What a serial cheater!” saad ng isang netizen.

Pagpuna naman ng isa kay Nicco, “The audacity that he still has the confidence maging ganyan in front sa national tv while christine is nasasaktan ng sobra.”

“That’s the consequences na kapag pinatawad mo ung isang cheater they will take those chances to do it again . Because cheating is a choice, not a mistake,” sey ng isa.

Read more...