Xian Lim ‘super’ hirap katrabaho, sey ng GMA writer na si Brylle Tabora

Xian Lim ‘super’ hirap katrabaho, sey ng GMA writer na si Brylle Tabora

PHOTO: Instagram/@xianlimm

“SUPER difficult to work with!!”

‘Yan ang naging paglalarawan ng isang Kapuso writer sa aktor na si Xian Lim na umagaw atensyon sa maraming netizens at naging usap-usapan sa social media.

Isang nagngangalang Brylle Tabora, na base sa kanyang Facebook profile ay nagtatrabaho sa GMA bilang writer, ang nagkomento sa post ng lifestyle magazine na Esquire Philippines noong May 7.

Ito ‘yung naging exclusive interview ng magazine kay Xian na umaming “currently dating” na sila ng Viva producer na si Iris Lee.

Sa comment section, naging agaw-pansin ang inihayag ni Brylle patungkol sa kanyang karanasan nang makatrabaho ang aktor.

Baka Bet Mo: Xian Lim ka-live in na si Iris kahit dyowa pa si Kim, true kaya?

Ayon sa kanya, naging “miserable” ang buhay ng TV writers.

Wika niya, “What a friggin’ joke, and he’s also super difficult to work with!!” 

“Made our lives as TV writers miserable. UGH,” ani ng writer na walang ibinunyag na detalye.

PHOTO: Screengrab from Facebook/Esquire Philippines

As of this writing, wala pang inilalabas na pahayag si Xian at ang kanyang management na Viva Artist Agency patungkol sa isyu.

Nag-reach out na rin ang INQUIRER.net kay Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa itong sagot.

Sa panayam ng lifestyle magazine, inamin ng aktor na “very happy” sila ni Iris sa kanilang relasyon.

Iginiit din ni Xian na walang kinalaman ang producer sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend na si Kim Chiu.

Magugunitang 12 years naging magdyowa sina Xian at Kim bago pa nila kumpirmahin ang kumakalat na breakup noong Disyembre ng nakaraang taon.

Read more...