Boobay hinimatay dahil sa ilaw: Buhay na buhay ako and ready to fight!

Boobay hinimatay dahil sa ilaw: Buhay na buhay ako and ready to fight!

Boobay

DAHIL sa malalakas na mga ilaw sa stage kung kaya nahimatay at natumba ang Kapuso TV host-comedian na si Boobay habang nagpe-perform.

Iyan ang ginawang paglilinaw ng komedyante sa insidenteng naganap sa pinuntahan niyang town fiesta sa Aparri, Cagayan nitong nagdaang May 7.

Kumalat sa social media ang isang video na nagmula sa livestream ng Facebook page ni Vice Mayor Rene Chan, kung saan makikitang nagho-host si Boobay sa naturang event kasama ang kapwa komedyanteng si Pepita Curtis.

Baka Bet Mo: BINI itinigil ang performance sa Bangus Festival; ilang fans hinimatay

Mapapanood sa naturang video na biglang tumigil sa pagkanta si Boobay habang nakatutok ang camera kay Pepita kasama ang isang lalaki mula sa audience.


Maya-maya lamang ay bigla na ngang natumba si Boobay at nawalan ng malay. Agad siyang nilapitan at tinulungan ni Pepita at ng ilang staff na naka-assign sa nasabing event.

Natigil din ang livestream ng event pero makalipas lamang ang ilang sandali ay muling napanood sina Boobay at Pepita sa stage hanggang sa matapos ang programa.

Kasunod nito, naglabas nga ng video ang The Boobay and Tekla Show Facebook page kung saan nagpaliwanag nga ang Kapuso comedian kung bakit siya hinimatay on stage.

“Hello po mga Kapuso, si Boobay po ito. Gusto ko lang po iparating sa inyong lahat na ako po ay okay na okay.


“At nais ko lamang pong pasalamatan ang ating mga minamahal na Kapuso, kamag-anak, mga kaibigan na nag-alala,” simulang pagbabahagi ni Boobay.

Paniniguro pa niya sa lahat ng nag-alala sa kanya, “Don’t worry dahil here I am, Boobay, buhay na buhay and ready to fight. Ayun nga po, tayo po ay hinimatay dahil lamang po sa malakas na ilaw po.

“Pero huwag kayong mag-alala dahil after po no’n ay naituloy pa rin po namin at napasaya pa rin po namin ang ating mga minamahal na mga kababayan at Kapuso sa Aparri.

“Kaya naman po Happy 344th founding anniversary po sa Aparri and see you again soon. I love you all,” ang mensahe pa ng host ng “The Boobay and Tekla Show”.

Read more...