Direk Njel de Mesa nakatapos ng 10 pelikula; Malditas in Maldives aariba

Direk Njel de Mesa nakatapos ng 10 pelikula; Malditas in Maldives aariba

Kiray Celis, Arci Muñoz, Janelle Tee at Njel de Mesa

PAK na pak para sa Metro Manila Film Festival 2024 ang pelikulang “Malditas in Maldives” na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Janelle Tee at Kiray Celis.

Ibinandera ng award-winning filmmaker at producer na si Njel De Mesa, ang director at producer ng naturang pelikula, na kung hindi kami nagkakamali ay siyang kaunan-unahang Pinoy movie na kinunan sa napakagandang karagatan ng Maldives na nasa Indian Ocean.

Nakachikahan namin si Direk Njel recently bago siya lumipad patungong Japan kung saan ilan sa 10 pelikulang natapos na niya ang lalaban sa first-ever Jinseo Film Festival.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz, JM de Guzman: From best friends to lovers!

Napanood namin ang isang video clip ng “Malditas in Maldives” na isa sa mga highlight ng movie kung saan ipinakita nina Arci at Kiray ang galing nila sa pagpapatawa at pag-iyak.


Nakakaloka ang eksenang yun! Patatawanin ka muna sa una sabay paiiyakin na naman sa huli. Sabi nga namin kay Direk Njel, hindi imposibleng ma-nominate at manalong best actress at best supporting actress ang dalawa sa next awards season.

Ang “Malditas in Maldives” ay isa sa magiging competing film sa unang Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan mula sa pag-aaring production ni Njel na NDM Studios.

“Based on scientific studies, before this century ends, the Maldives will be completely wiped out from the world map due to rising ocean levels.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual, Arci Munoz may ‘something’ nga ba?

“And we’re proud that we’re the first local production to capture the breathtaking scenery of this archipelago by featuring it in our film,” ang pahayag ni Direk Njel.

Inimbitahan kami ng award-winning filmmaker kasama ang ilan pang piling members ng showbiz press sa kanyang opisina sa Quezon City para sa exclusive sneak preview (20-minute clip) “Malditas in Maldives.”

“No one else has seen this clip aside from you. This is the scene when the characters finally realize that they are in a loop and are not sure if they’re in purgatory or paradise,” aniya.

Bukod sa “Malditas in Maldives”, ang isa pang lalaban sa naturang international filmfest at ang pelikula ni Njel na “Mama San”.


Ilan pa sa mga natapos nang pelikula ni Direk ay ang “Subtext” ni Elly Cellan; “Coronaphobia” starring Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, Cay Kuijpers, and Tommie Kingwill; at ang “Must Give Pause” nina Shaneley Santos at Cheska Ortega.

“While one film is already in post-production, I was already starting filming the next project. I give the production all the time they need, so instead of getting bored waiting for the final output, I went ahead and started with the next title in the pipeline.

“It’s been an exciting journey. Having full creative freedom allows me to pour my heart into every aspect of these projects,” sabi pa ni Direk Njel.

Samantala, ang iba pang Pinoy movies na kasali sa Jinseo Arigato International Film Festival sa May 25 at 26, ay ang obra ni Catherine Camarillo na “That Kind of Love” nina Barbie Forteza at David Licauco; “Chances Are, You and I” nina Kelvin Miranda at Kira Balinger; at ang horror film na “Mananambal” nina Bianca Umali at Nora Aunor.

Read more...