NATAKOT at na-intimidate nang bonggang-bongga si Miguel Tanfelix kay Glaiza de Castro sa mga unang araw nang pagsabak niya “Running Man Philippines Season 2.”
Si Miguel ang pumalit sa original Pinoy Runner na si Ruru Madrid kaya naman nang ialok sa kanya ang project ay magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya.
Ayon sa Kapuso actor, bago pa siya lumipad patungong South Korea kung saan kinunan ang kabuuang ng “RMP Season 2” ay matinding nerbiyos na ang nararamdaman niya.
Baka Bet Mo: Gigi na-intimidate kay Gerald: Nu’ng kaharap ko na siya talagang sinabi ko, ‘Ay, ang guwapo mo naman!’
Alam daw kasi niyang lahat ng Runners na kasali sa reality show ay super competitive at talagang hindi basta nagpapatalo sa bawat mission.
Pero inamin ni Miguel na sa lahat ng mga Runners, na kinabibilangan nina Glaiza, Mikael Daez, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian at Lexi Gonzales, kay Glaiza siya talaga na-intimidate nang bongga.
“Kinabahan po ako kung paano ako magpi-fit sa grupo. Kasi ako, may pagka-introvert ako.
“Minsan, nahihiya ako na kumausap ng mga tao. Pinanood ko yung buong season 1, na-intimidate ako sa kanila kung gaano sila ka-close.
“Naisip ko, paano ako papasok sa grupo nila. Pero, bago ako lumapag ng Korea, nasa eroplano yata ako nu’n, sinabi ko sa sarili ko na bahala na lang.
Baka Bet Mo: Chie Filomeno aminadong na-intimidate kay Ruffa: As in ‘yung first time ko ulit dito tapos…
“Tapos, tinrust ko na lang sila kung paano nila ko tatanggapin. No expectation na dapat ganito, dapat ganyan. Kumbaga, kung ano ang mangyayari sa Korea, bahala na si Batman,” sey ng binata.
“Nahirapan akong makisama kay Boss G (Glaiza). Kasi, intimidating, e, nakakatakot. Lalo na kapag sa mga challenges, palaban talaga, e, kaya medyo natakot ako sa kanya.
“Kay Angel din. Parang nahirapan akong mag-connect sa kanya personally. Pero meron one time na nag-coffee kami lahat ng runners, nakapag-usap kami ng malalim. Parang naintindihan ko siya.
“Feeling ko, nahirapan akong kumonek kay Angel at na-intimidate ako kay Boss G,” sey pa ni Miguel.
Pero sa kabuuan, super nag-enjoy si Miguel sa pakikipagbakbakan niya sa “Running Man Philippines 2” at kahit nga matitinding mission ang hinarap nila sa show, idagdag pa ang napakalamig na klima sa Korea, looking forward na siya sa next season ng programa.
Mapapanood na ang “Running Man PH 2” simula ngayong Sabado at Linggo, May 11 at 12 sa GMA 7.