Carmina pinaiyak nina Cassy, Mavy: ‘You’re our biggest blessing!’

Carmina pinaiyak nina Cassy, Mavy: 'You're our biggest blessing!'

PHOTO: Instagram/@mina_villaroel

NAGING emosyonal ang celebrity mom na si Carmina Villaroel sa bagong episode ng programang “Sarap ‘Diba?” kung saan siya host.

Ito ay matapos magbigay ng advance messages ang kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi para sa upcoming celebration ng Mother’s Day.

Unang nagsalita si Cassy na lubos na pinasasalamatan ang pagmamahal na ibinibigay ng ina.

“I’ll keep it short but sweet, so mommy Happy Mother’s Day and of course, thank you sa patience mo with me, Mavy and our bunso na si Tatay, and thank you for always choosing us before yourself,” sey niya.

“Alam ko na ‘yan ‘yung number one trait sa mga nanay since very selfless sila and they always put their kids first, and I admire that with you,” patuloy ni Cassy at biglang yakap sa ina.

Baka Bet Mo: Mavy proud mama’s boy: To the day that I would die, I would be loyal to my mother, I will protect her with my whole heart!

Wika pa ng young actress, “Ayoko na maiyak, so okay na ‘yun. I love you, mommy!”

Sumunod naman agad si Mavy na kung saan ay dito na tuluyang napaiyak ang ina.

“Siyempre, Happy Mother’s Day. Thank you sa patience and understanding. We’re back on track. Sana tuloy-tuloy lang ‘to. Feel ko, ito ‘yung blessing na binigay ni Lord para sa atin. Personally, sa mother and son na duo,” panimula ng young actor.

Kasunod niyan ay binanggit na niya ang mga natatanggap na pamba-bash at hate comments ng ina.

“Kayang-kaya mo kaya hindi na kailangang magsalita, hindi na kailangang i-justify or fight the criticisms or hate dahil wala ‘yun, boredom lang sila sa buhay nila,” sambit ni Mavy.

Saad pa niya, “At the end of the day, I know in their hearts kahit may mga criticism or whatsoever, people have their own mothers that they love and kaya we don’t have to fight back kasi God will bless those who are good to the worst people in this world.”

“Kaya I’m very thankful na I have a mother figure like you kasi nata-transfer ‘yun sa amin ni Cass. So ‘yun, siguro itong turn of events talagang naging malaking blessing para sa akin to realize a lot of things.

“Yes, it looks like na parang hindi tayo naglalaban, pero we really don’t need to kasi the biggest strength that you have is deep inside na hindi nakikita ng mga tao. ‘Yung mga nakikita ng tao is ‘yung mga posts, mga comment, interviews and all that pero hindi nila nakikita ang anong laman ng puso ni mama and that’s my biggest blessing,” ani pa niya.

Magugunitang naging usap-usapan sa social media world kamakailan lang ang mag-ina na sina Cassy at Carmina matapos bumandera sa Instagram Stories ang pinaniniwalaang “patama posts.”

Takang-taka pa nga ang Kapuso actress-TV host dahil nilalagyan ng malisya ang mga cryptic post niya sa social media.

Hindi raw, aniya, niya maintindihan kung bakit pilit na iniuugnay ang kanyang mga ipino-post sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga anak.

Sa isang interview, nilinaw ni Cassy na mahilig lang talaga silang mag-post at mag-share ng mga bible verses o kaya naman ay quotes.

Read more...