Michelle kinoronahan si Apo Whang-od, binigyan ng FILIPINAS 2023 jersey

Michelle kinoronahan si Apo Whang-od, binigyan ng FILIPINAS 2023 jersey

Michelle Dee at Apo Whang-od

KINORONAHAN ng Kapuso star at beauty queen na si Michelle Dee ang kanyang idol at itinuturing ding “hero” na si Apo Whang-od.

Bago matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe Philippines 2023 ay personal ngang pinuntahan at binisita ni Michelle ang “oldest and last mambabatok” sa Buscalan, Kalinga.

Baka Bet Mo: Nas Daily naglabas ng ebidensiya para patunayang hindi scam ang Whang-Od Academy

Naging malaking bahagi si Apo Whang-od sa journey ni Michelle sa paglaban sa Miss Universe 2023. Ilan sa mga ginamit niyang gown sa naturang international pageant at sa kanyang homecoming ay inspired by Apo Whang-od.


Tinawag pa nga ng dalaga ang living legend na mambabatok bilang  “amazing symbol of cultural preservation” at kung mabubuhay daw siya uli sa ibang panahon, gusto niyang maging si Apo Whang-od.

Bukod sa pagpuputong ng korona, binigyan din ni Michelle si Apo Whang-od ng jersey na may nakasulat na “Filipinas 2023” sa harap at ang initials niyang “MMD” sa likod nito.

Natupad din ang pangarap ng Kapuso actress na matatuan ni Apo Whang Od. Aniya sa caption ng kanyang Instagram photo, “A Philippine legend and National Treasure. Forever inked on my body and in my heart.”

Baka Bet Mo: Apo ng pinakamatandang mambabatok umalma: ‘Warning! Whang Od Academy is a scam!’

Aniya pa, “Finally!! #APOxMMD #FILIPINAS #ApoWhangOd. Grateful for my team @wearepersonifi for making this trip with me. What an amazing way to start the month of May and my final days as your reigning queen. (more to come). All love.”

Matatandaang binigyan din ni Michelle ng tribute si Apo Whang-od last year, aniya sa kanyang IG post, “A tribute to a legendary Filipina who has become an icon, preserving the rich cultural heritage of indigenous tattoo art.


“She has achieved global recognition and symbolizes timeless beauty, coinciding with Miss Universe lifting its age restrictions, championing inclusivity, and challenging age stereotypes.

“A true icon and the last of her kind, a symbol of bravery, beauty, and inclusivity… Whang-od. This evening gown draws inspiration from the icon, with every stitch crafted passionately and proudly dedicated to our country.

“It is a creation by my friend and designer of dreams, @markbumgarner,” aniya pa na ang tinutukoy nga ay ang pagrampa niya sa Miss Universe pageant.

Sa darating na May 22, ipapasa na ni Michelle sa kanyang magiging successor ang korona sa magaganap na Miss Universe Philippines 2024 pageant.

Read more...