SINORPRESA ng pasabog na regalo ng isang groom ang kanyang bride sa mismong araw ng kanilang kasal na inilagay niya sa dala-dalang maleta.
Viral ngayon sa social media ang inihandang regalo ng lalaking nagpakasal kamakailan sa Bukidnon para sa kanyang blooming bride na para na ring naka-jackpot sa isang game show sa TV.
E, kasi nga, ang bitbit pala niyang maleta sa kanilang wedding ay naglalaman ng tumataginting na P1 million in cash.
Sa TikTok post ng wedding host na si Lester Dave Verano, mapapanood ang video ng pagbukas ng groom sa isang maleta na naglalaman ng pinagdugtung-dugtong na tag-iisang libong piso.
Baka Bet Mo: Enchong Dee pak na pak ang pagiging transwoman; Kaladkaren hirap na hirap magpakalalaki
Nang mailabas na mula sa maleta ang pinagdugtung-dugtong na P1,000 bill ay iniladlad ito ng groom sa harap ng mga bisita at isinuot sa kanyang bride na tila isang kapa.
“1 Million pesos cash gift from the groom to his wife! 1 Million na sana all! Surprise gift from the groom!!
“Congratulations couple!!” ang inilagay na caption ni Lester sa kanyang TikTok post.
Sabi naman daw ng groom, ang cash gift niya ay sumisimbolo sa pangako niyang panghabangbuhay na partnership at financial support sa kanyang asawa.
Umani naman ng milyun-milyong views ang naturang video sa TikTok mahigit 500 shares naman sa Facebook. Narito ang ilan sa nabasa naming reaksyon mula sa netizens.
“Iyan ay isa sa mga paraan para mapakita mo sa magulang ng asawa mo na ‘don’t worry po at never magugutom ang anak nyo sa akin.’ Sarap sa feeling niyan, promise.”
“Sanaol may pa-P1 Million cash gift sa kanilang wifey!”
“It’s not the wedding but it is the marriage that matters most..Kahit anong bongga pa ng kasal kung walang love,respect and trust sa isa’t isa hindi magiging successful ang pagsasama.”
Baka Bet Mo: Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’
“It’s not only the value of the money it represents. It also represents how reliable and responsible the man is. it means ‘don’t worry about anything, just be my wife. I can take care all other things.’”
“Sabihin na nating sobra ang pagmamahal na ipinapakita ng groom…. pero no need na para ipagyabang pa sa madla ang perang ibibigay sa bride. Daming paraan na mapapasaya mo sya kahit after ng kasal. Kahit bisita 100% may nasabi rin sa ginawa nya.I doubt wala. Nauso na kasi pero di na kailangan ang ganyan kalaking halaga. Showy na.”
“Bka ung 1M pa na yan ang maging dahilan ng paghihiwalay,dhl bka kalaunan ng pagsasama ay hanapin ni groom iyan kung san napunta hahahaha.”
“Sna all pero mas gusto ko na passbook o atm n nkpanglan sakin pr wl ng bawian ng bigay.”