ISA sa mga mahahalagang life lesson na natutunan ni John Prats sa kanyang mga magulang ay ang pagiging risk taker at palaban sa lahat ng bagay.
Napatunayan ng aktor at direktor na kailangang laban lang nang laban sa mga hamon ng buhay hanggang sa makamit ang inaasam na tagumpay.
Tulad na lang ng nangyari sa pinasok na negosyo ng kanilang pamilya pagkatapos ng kasal nila ng asawang aktres na si Isabel Oli – ang resort business.
Baka Bet Mo: John Prats aksidente lang ang pagpasok sa showbiz sa edad na 8; nagpasalamat sa 30 years niya sa showbiz
Kuwento ni Pratty, ipinatayo ng kanyang tatay ang kanilang Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas para lang talaga sa venue ng wedding nila ni Isabel hanggang sa maisip nilang gawin na itong resort.
“Dapat resthouse lang talaga ‘to nu’ng ikakasal na ako. Minadali ng dad ko itayo ‘yung apat na villas kasi gusto niya dito ako ikasal,” pagbabahagi ni John sa interview sa kanya ni Bernadette Sembrano.
Patuloy pa niya, “Tapos after nu’ng wedding, sabi ko, ‘Dad, why don’t we share the experience that we had, ta’s i-open natin, gawin nating resort.'”
Hindi rin daw naging madali ang journey ng parents nila ni Camille Prats sa pagpasok nila sa negosyo lalo na noong nagsisimula pa lamang ang operasyon ng Nayomi Sanctuary.
“It was a tough journey for them also. Nu’ng nakikita namin ‘yun, naaalala ko ngayon na ang hirap pala ‘yung pinagdaanan nila.
“We were trying to look for a new negosyo aside from us being an artista and my dad is trying to look for ano ba ‘yung purpose niya,” sey ni John.
At sa lahat ng mga naging challenges na hinarap ng kanyang pamilya, ang isa sa mga importanteng aral na nagmarka sa kanya ay ang pagiging palaban.
“Don’t be scared to try kasi mas masakit ‘yung ‘di mo sinubukan. ‘Yung inisip mo lang tapos ‘di mo sinubukan, ‘yun ‘yung failure. But ‘yung approach na laban nang laban lang even with concerts when I direct.
Baka Bet Mo: John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?
“Minsan iniisip ko parang imposible pero when I push myself and nangyari siya, wow. Pero kung hindi at least I tried,” sabi pa ng aktor at director.
Samantala, bukod nga sa pagtulong sa family business, patuloy na kinakarir ni John ang pagdidirek sa concert at TV show.
“When I did Moira’s ‘Tagpuan’ (2018) I didn’t know what I was doing. Everything was my instinct, my vision, what I wanted to do.
“But there were people like Cynthia (Roque) of Cornerstone who guided me and gave me the right people to execute my vision,” aniya sa isang panayam.
“It was more than directing a concert. It’s like building a relationship with your artists. Being a friend to them.
“My advantage was I was in the industry. I was also a performer. So I know how it feels to be a performer,” sabi pa ng aktor at isa sa naging direktor ng longest-running action-drama series sa ABS-CBN na “Ang Probinsyano.”
“When I was directing the scenes, I even edited. You really know there’s a personal touch in the scenes that you did,” sabi pa ni Pratty.