Jessy binasag ang basher na nagsabing fake ang pag-aaring branded bag

Jessy binasag ang basher na nagsabing fake ang pag-aaring branded bag

Jessy Mendiola

PINAGTALUNAN ng mga netizens kung fake o authentic ba ang designer bag na ipinost ni Jessy Mendiola sa kanyang social media account.

Ibinalandra kasi ni Jessy ang pag-aaring branded bag sa Instagram na umani ng samu’t saring reaksyon mula sa kanyang mga social media followers.

Baka Bet Mo: Andi binalikan ang bonding moments nila ni Cherie sa Siargao: The one who inspires me to always stay true to my authentic self

May mga nagsabing tunay at authentic ang naturang designer bag kung saan nagbigay pa sila ng ilang patunay na hindi ito peke.


Pero isang basher nga ang nag-comment sa post ni Jessy na may handle name na “mylbrav_0038″ na lantarang nagsabi ng, “Looks fake to me. Bought from HK.”

Binarag naman agad ni Jessy ang sinabi ng netizen at ipinamukha sa kanya na mismong ang sales associate na kausap niya sa isang high-end brand ang nagpatunay na authentic ang kanyang bag.

”It was authenticated by a sales associate who checked the item’s serial code in Chanel’s system. No need to hate and spread negativity,” ang komento ni Jessy.

Baka Bet Mo: Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Isa namang netizen ang nag-share ng ilang tips para mapatunayang kung peke o tunay ang bag ni Jessy. Una, itsek ang  stitching ng luxury bag – dapat daw ay may 11 stitches lang ito sa magkabilang side ng panels.

“Since Chanel utilizes a lot of stitches to help maintain the bag’s unique shape, stitching can be a very evident indicator of authenticity.


“A genuine Chanel purse will contain panels with up to 11 stitches each, matching the length of one side of the diamond design,” ang sabi ng netizen.

Sagot naman sa kanya ni Jessy, “It depends if it’s a seasonal piece or a classic one, it also depends on the size of the bag.

“The only way to authenticate a piece is to have the serial code/microchip checked in Chanel’s system,” sey pa ng misis ni Luis Manzano.

Narito ang ilan pa sa komento ng mga netizens na nagtanggol kay Jessy kasabay ng pang-ookray sa basher.

“Yung kilay mo nga pekeng peke e hahahah kadiri pwe.”

“Naka tag na ngang japanluxe, mag tanong pa if bought from Hk. Your comments say so much about you.”

“Hmmmm, vintage lang pero hindi fake.”

Read more...