Pepe Herrera mas inunang magpatayo ng sariling bahay kesa magpakasal

Pepe Herrera mas inunang magpatayo ng sariling bahay kesa magpakasal

Pepe Herrera kasama ang kanyang pamilya

MAS inuna muna ni Pepe Herrera at ng asawang si Sarah Mallari ang pagpapatayo ng sarili nilang bahay kesa sa kanilang kasal.

My wife” na ang tawag ng komedyante at theater actor sa kanyang partner kahit hindi pa sila nagpapakasal. May dalawa na rin kasi silang anak kaya feeling ni Pepe ay mag-asawa na talaga sila.

Sa pakikipagchikahan ni Pepe sa ilang members ng showbiz press para sa promo ng horror-comedy movie niyang “Bantay-Bahay” under Regal Entertainment ay nag-share siya ng ilang kaganapan sa kanyang personal na buhay.

“She’s a very private person (misis niya), pero my wife, si Sam, I consider her my wife pero hindi pa po kami kasal because of practical reasons.

Baka Bet Mo: Katya mas inuna ang pagbuo ng baby kesa sa kasal nila ni Paulo Pilar

“Supposed to be, noong start ng pandemic, gusto namin. But when we were planning it, na-realize namin, ayaw naming pumili sa mga kaibigan.

“Gusto namin, lahat sila imbitado, so medyo malaking wedding ang tinutukoy namin.

“We had to decide kung uunahin ba namin yung bahay, because she was pregnant during that time, we decided to start with our dream home.


“Nagkataon pong interior designer siya, she’s very familiar with the costing, with the timeline… kaya pinagkatiwalaan ko siya. And we finally decided together na unahin yung bahay,” pagbabahagi ni Pepe.

Dagdag pa niya, “Kapag naitayo na yung bahay, we will start planning again for our wedding.”

“Right now, thankful ako, nagpapatayo kami ng bahay sa Antipolo. Hopefully, by the end of this year, doon na kami nakatira.

“Yun kasi ang pangarap ko, makatira sa probinsiya pa rin pero malapit sa siyudad,” aniya pa.

* * *

Nagbabalik sa recording ang Philippines’ Soul Diva na si Klarisse de Guzman hatid ang kanyang bagong extended play (EP) na tinawag na “FEELS.”

Napapakinggan na ang three-track EP na magdadala sa listeners ng iba’t ibang mapanakit na emosyon dahil sa pag-ibig. Kasama rito ang “Dito,” “Minamahal Pa Rin Ako,” at “Bibitawan Ka” na mula sa producer ng EP na si StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Baka Bet  Mo: Pepe Herrera bukas ang 3rd eye, nakakita ng dwende sa grotto

Isinulat nina Raizo Chabeldin at Biv de Vera ang “Dito” na tungkol sa matinding pananabik na makapiling muli ang taong minamahal.


Ang “Minamahal Pa Rin Ako” na mula naman sa composer na si Ronaldo Azor ay tungkol sa panghihinayang ng isang nagmamahal pagkatapos niya iwan ang ang tao na nananatiling mahalaga para sa kanya.

Tungkol naman ang ikatlong awitin na “Bibitawan Ka” sa pagtatapos ng isang relasyon nang maayos at pagkakaroon ng pag-asa sa pagdating ng tamang pag-ibig. Isinulat ito ni Hazel Faith dela Cruz.

Noong nakaraang taon huling napakinggan ang soulful voice ni Klarisse sa awiting “Ayoko Ng Sana” na bahagi ng “Rox Santos: the 15th Anniversary Album.” Taong 2022 naman nang inilabas niya ang ballad na “Thank You”  sa ilalim rin ng StarPop.

Namnamin ang nag-uumapaw na damdamin na tampok sa “FEELS” EP ni Klarisse na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang streaming platforms.

Read more...