EXCITING ang mga bagong Hollywood films na inilabas para sa buwan ng Mayo!
Iba’t-ibang genre ang pwede ninyong pagpiliian –may horror, comedy, romantic, drama at action.
Narito ang listahan na tiyak na mag-eenjoy ang moviegoers:
Baka Bet Mo: Hollywood thriller films ‘Blink Twice’, ‘Trap’ magpapakaba sa mga Pinoy
The Fall Guy
Showing na sa mga lokal na sinehan ang action comedy film na “The Fall Guy” na pinagbibidahan ng Hollywood stars na sina Ryan Gosling at Emily Blunt.
Iikot ang kwento nito kay Ryan bilang si “Colt” na ilang taon nang nagsisilbing stuntman para sa A-list star na si Tom Ryder na ginagampanan ni Aaron Taylor-Johnson.
Maganda ang takbo ng karera ni Colt, pero tila naging totoo ang mga maaksyon niyang eksena matapos siyang bigyan ng misyon ng producer na hanapin si Tom.
Samantala, ang papel ni Emily ay bilang “Jody,” ang ex-girlfriend ni Colt na isa ring direktor ng ginagawang sci-fi movie.
Makabuluhan ang pagbuo sa pelikula dahil ito ay pagpupugay para sa mga stuntmen, pati na rin sa mga crew ng Hollywood na gumagawa ng magic behind the scenes upang mabigyan ng kapanapanabik na karanasan ang mga manonood.
Ibang level ang pagka-intense ng action scenes ng bagong movie na ipinapakita talaga kung gaano kahirap ang trabaho ng mga stuntmen.
Ang “The Fall Guy” ay ang film adaptation ng 80’s classic action show ng parehong titulo.
Tarot
Palabas na rin sa big screen ang horror movie ng Filipino-American actor na si Jacob Batalon – ang “Tarot.”
Ang istorya nito ay tungkol sa isang grupo ng magkakaibigan na nilabag ang sagradong tuntunin sa pagbabasa ng nasabing cards.
“When a group of friends recklessly violates the sacred rule of Tarot readings–never use someone else’s deck–they unknowingly unleash an unspeakable evil trapped within the cursed cards. One by one, they come face to face with fate and end up in a race against death to escape the future foretold in their readings,” saad sa synopsis ng horror film.
Para sa mga hindi masyadong aware, si Jacob ay sumikat at nakilala nang husto sa kanyang pagganap bilang Ned Leeds sa Marvel movies na “Spider-Man Homecoming” at “Spider-Man Far From Home.”
Ang kanyang karakter ay bilang bestfriend ng superhero o ang alter-ego na si Peter Parker.
IF
Mula sa maaksyon at superhero movie, sasabak naman sa isang fantasy comedy film ang sikat na Hollywood star na si Ryan Reynolds.
Ito ang “IF” na mapapanood na sa darating na May 15.
Ang kwento nito ay tungkol sa mga taong may “imaginary friends.”
“‘IF’ is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids,” saad sa synopsis ng Paramount Pictures.
Star-studded ang movie dahil tampok din sina Emily Blunt, Awkwafina, Matt Damon, Jon Stewart, Steve Carell, John Krasinski, Phoebe Waller-Bridge, Maya Rudolph, Sam Rockwell, Christopher Meloni, Richard Jenkins, Louis Gossett Jr., at Cailey Fleming.
Monkey Man
Sa May 15 na rin masisilayan sa big screen ang matinding aksyon ng British actor na si Dev Patel, ang binansagang “South Asian John Wick.”
Pagbibidahan niya ang action thriller na “Monkey Man” na inspired sa alamat ng Hindu deity na si Hanuman, ang siyang sumisimbolo sa karunungan, lakas, tapang, debosyon at disiplina sa sarili.
Ang pelikula rin ang magsisilbing directorial debut ni Dev at siya rin mismo ang nagsulat ng kwento nito.
Back to Black
Kasabay ng “IF” at “Monkey Man” ang biopic film na “Back to Black” na hango sa buhay ng kilalang yumaong English singer-songwriter na si Amy Winehouse.
Bibida riyan ang British stars na sina Marisa Abela at Jack O’Connell.
Narito ang synopsis na inilabas ng Universal Pictures na mapapanood exclusively sa Ayala Malls Cinemas:
“Painting a vivid, vibrant picture of the Camden streets she called home and capturing the struggles of global fame, ‘Back to Black’ honors Amy’s artistry, wit, and honesty, as well as trying to understand her demons. An unflinching look at the modern celebrity machine and a powerful tribute to a once-in-a-generation talent.”
Furiosa: A Mad Max Saga
Magbabalik sa big screen ang iconic dystopian movie na “Mad Max!”
Ang prequel na pinamagatang “Furiosa: A Mad Max Saga” ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na May 22.
Ang bibida riyan ay ang award-winning actress na si Anya Taylor-Joy.
At dahil prequel nga ito, si Anya ang gaganap na batang bersyon ng heroine ng wasteland na si Imperator Furiosa.
Kung maaalala, ang orihinal na gumanap ng nasabing karakter ay ang South African-American actress na si Charlize Theron na ipinalabas noong 2015.
Tampok din sa action film ang “Thor” star na si Chris Hemsworth bilang kontrabida na si Immortan Joe.
Ayon sa Warner Bros. Pictures, ang prequel ng “Mad Max” ay iikot sa full origin ni Furiosa.
The Garfield Movie
Isa pang iconic film ang magkakaroon ng bagong release this month, ito ang inaabangan animated comedy film na “The Garfield Movie” starring and voiced by Chris Pratt.
Ayon sa pasilip, iikot ang pelikula sa outdoor adventure ng sikat na indoor cat kung saan matatagpuan pa niya ang kanyang long-lost father.
“After an unexpected reunion with his long-lost father – scruffy street cat Vic (voiced by Samuel L. Jackson) – Garfield and his canine friend Odie are forced from their perfectly pampered life into joining Vic in a hilarious, high-stakes heist,” kwento sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures.
Kung matatandaan, taong 2006 nang unang ipinalabas ang animated film ni Garfield na binosesan ni Bill Murray.