TRABAHADOR at trainee ang panganay na anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sa itinayo niyang fast food sa Bonifacio Global City, Taguig – ang Ugbo 24/7.
Nagsisimulang magbantay ang aktor sa naturang fast food resto simula 1 p.m. hanggang 6 o 7 p.m..
Ang Ugbo ay mula sa Ugbo street foods na matatagpuan sa Velasquez Street, Tondo Manila kung saan dinarayo ng mga tao dahil sa famous dish nilang “tumbong” ng baboy, camto, dila asado, lechon with yummy sauce at iba pa.
Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest
Nu’ng kabataan daw ni Yorme ay talk of the town ang tumbong na dinarayo talaga pati na ng mga taga-ibang lugar
Ayon sa aktor, ang tiyahin niya ang nag-training at nakipag-usap sa owner na gusto nga raw magtayo rin nina Yorme ng Ugbo at bago binawian ng buhay ay naipasa na ang recipe ng best-selling food ng nasabing kainan.
Base sa panayam ni Joaquin sa “Ogie Diaz Inspires” YouTube channel ay siya ang namamahala sa kaha pero kapag maraming customer ay kailangan niyang tumulong magsilbi.
“Regular ko po itong ginagawa basta wala pong work sa GMA, walang taping dito po ako pumupunta,” bungad ni Joaquin.
Ipinakita sa video na may check list ang panganay na anak ni Yorme Isko ng stocks at kung paano ang dynamics sa kitchen ng kanilang 24/7 fast food at higit sa lahat kung paano nililinis ang lahat ng karneng sine-serve nila na napakarming proseso dahil dumadaan pa sa machine na may kumukulong tubig.
Malinis din ang lahat ng staff dahil naka-uniform sila at may mga hair net cap at may apron pa.
At bilang kahero ay naka-apron si Joaquin pero kapag nagsisilbi na ay nagsusuot na siya ng hair net cap.
Baka Bet Mo: Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!
Isa pang dahilan kung bakit dinarayo ang Ugbo sa Taguig ay dahil mababa ang presyo at wala silang service charge.
“Self-service po kami at dahil do’n naibaba namin ang presyo kasi wala ng service charge, so, cheaper and that’s my Dad’s idea,” paliwanag ni Joaquin.
Walang suweldo si Joaquin sa fast food nila, “Anak na ako. Ha-hahaha! It’s better than just staying at home, sabi ni Papa, ‘wala ka namang ginagawa.’”
Pinag-aralan lahat ni Joaquin ang negosyong kainan dahil plano niyang magtayo ng sariling branch pagdating ng araw dahil naniniwala siya na hindi forever ang pagiging artista.
Natanong ni Ogie kung may planong pasukin ni Joaquin ang politika, “I don’t know but the door is not closed.
“Ang important sa akin kung tatakbo man ako kailangan kong patunayang hindi ako bobong tao or may pinag-aralan ako ‘coz I don’t want to run and win and just win,” ang sabi pa ng aktor.